BUMANGGA ang sinasakyang motor ni Wally Bayola sa isang pothole sa Barangay Bel-Cruz sa Andaya Highway noong Linggo ng hapon, March 29. Patungong Naga City ang TV host komedyante para mag-Holy Week vacation.
Ayon sa Lupi police, bumangga ang motor ni Wally sa isang pothole kaya ito nahulog. Agad namang dinala ang komedyante ng mga rescue team sa isang pribadong ospital para roon gamutin.
Naapektuhan ang binti ni Wally sa pagtama nito sa pothole.
Sa kabilang banda inihayag naman ng TVJ sa pamamagitan ng kanilang Facebook pae a maayos na ang kalagayan ni Wally.
Isang selfie picture rin ni Wally ang ibinahagi sa FB kasama ang mensaheng, “Sa mga nangangamusta kay Dabarkads Wally, maayos na po ang kanyang kalagayan.
“Maliban sa kaunting sugat at bukol, maayos at ligtas na po ang kanyang kalagayan.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com