Thursday , June 4 2026
Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga libreng gasolina, bigas at sunscreen, sa kabutihan at pagiging likas na matulungin ng Beautéderm CEO and founder Rhea Anicoche Tan.

Dahil sa kasalukuyang oil crisis, naisip ni Ms. Rhea na makatulong sa mga transport workers kaya nabuo ang “Biyaheng Kalinga”. Ginawa ni Ms. Rhea ang live selling na tinawag na “Love in Every Bid: A Cause from the Heart” at dito’y nagbenta ang masipag na lady boss ng mga personal na mga gamit at designer items upang pondohan ang libreng gasolina para sa mga nasabing transport workers.

Katuwang dito ng Beautederm Group of Companies at Beautéderm ContriBeaut Foundation, ang Rotary Club of Balibago, na si Ms. Rhea ang kasalukuyang Pangulo.

Ayon sa ulat, ang first 100 delivery riders at tricycle drivers ay nabiyayaan ng libreng full tank gas bilang tulong sa kanilang araw-araw na biyahe.

Ang sumunod na 100 ay nabigyan ng P500 worth ng fuel, pati na ng bigas. Ang mga riders ay nabigyan ng limang kilong bigas at Beautéderm sunscreen, na kailangang-kailangan ng mga driver na laging bilad sa araw, lalo’t napaka-effective talaga ng mga produkto ng Beautéderm.

Originally, 100 ang target na tulungan ng proyektong ito, pero lumobo ito sa 200 dahil sa malaking turnout noong March 27 pa lang. Balitang bago pa man mag-12 midnight ng March 28 ay may mga nakapila na raw sa headquarters ng Beautéderm sa Angeles City, Pampanga para makakuha ng gas coupon.

Masuwerte ang unang tricycle driver na nasa pila dahil hindi lang full tank ang nakuha niya, nabigyan pa siya ng P3,000 cash at negosyo package – Beautéderm products bilang kapital.

Nagpahayag si Ms. Rhea ng kagalakan na naging maayos ang proyektong ito.

Aniya, “Hindi ko ine-expect na ano… pero dati ko na naman itong ginagawa kapag may mga bagyo, ganoon. Pero parang ngayon lang nagulat ako… tapos tinulungan n’yo pa ako, na naging viral tuloy iyong post ko. Na pati mga kaibigan natin sa national press, lahat ay kumukuha na ng mga ano nila, pini-pick up na lahat nang napo-post.

“Sabi ko nga, motto namin ng mga girls ko, ‘God will always provide hindi ba?’ Ang sarap ng feelings, kasi imagine mo, iyong P600 pala na minsan literal na gusto mo lang kumain dahil nagke-crave ka, ganoon na nga iyong nagagastos natin kapag gusto nating kumain, hindi ba? Pero sa kanila ay napakalaking bagay na pala at ilang araw na nilang gagamitin iyon para makapagbiyahe. Kaya mas lalo kang nagiging grateful sa buhay.”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Rhea, “Saka napakasarap po sa puso na mga lumang gamit ko lang po iyon… at saka minsan iyong mga followers ko kahit hindi nagko-comment, pero one hour before pala, talagang ubos na po iyong mga paninda ko, kaya ang sarap po ng feelings. Kasi ang mga bagay na iyon, pinaghirapan ko rin po iyon para mabili, e. Pero mula po nang nagka-pandemic, parang ang mga materyal na bagay ngayon, okay lang i-give up mo as long as marami kang matulungan at makasalba ng buhay.

Hinikayat din niya ang ibang negosyante na tumulong sa mga kababayang lubos na naaapektohan ng oil crisis.

“Kaya ko rin po iyon ipinost, alam n’yo naman po iyon, hindi ko naman po kailangan ang sumikat or what, gusto ko lang din na ma-touch ang hearts ng ilang kababayan natin na mas mayroon. Kasi kung ganitong tulong-tulong po tayo, na ako ay hindi naman po kalakihang kompanya, paano pa po iyong mas malaki, mas marami silang matutulungan,” pahayag ni Ms. Rhea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …