Friday , June 5 2026
Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALK
ni Pilar Mateo

INTERNET culture. Deep rooted folklore. 

Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang screenwriter. Maaalala sila sa box-office teen horror na Pagpag: Siyam na Buhay at marami.pa.

Nagsanib-puwersa ang GMA Pictures (Annette Gozon) at Mentorque ProductionsInc. (Bryan Dy) sa pinaghalong supernatural terror, viral culture, at emotional storytelling sa Huwag Kang Titingin

Oo! May isinilang na entity dito. Ang umaaligid. Na sumusubaybay sa mga nagiging  biktima nito sa kanilang panaginip hanggang sa mging isang bangungot.

Sa  Abril 15, 2026 na ito mananakot. 

Sisimulan sa isang makalumang paraan ng pakikipagniig sa mga sumakabilang-buhay na.  At hahantong sa makabagong ikot ng mundo lalo ng mga kabataan sa online. Na magiging viral video challenge.

At magku-krus sa landas nila ang umaaligid.  An entity that feeds on the soul of the living. Sabe. ‘Yun ang drama niya.

Sino-sino ang makakasalamuha?

Pangungunahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Kasama sina Marco Masa, Charlie Fleming, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino at may espesyal na papel si Shuvee Entrata. At susuporta rin sina Lui Manansala, Sherilyn Reyes, Alchris Galura, Michael Flores, Bernadette Allyson, David Domanais, at Christian Kimp Atip.

Kaaaliwan ang pagganap ng bagong henerasyon ng kabataan sa horror film na ito. 

Mga tunay na matatakutin. May hindi naniniwala sa pamahiin. At sa kabuuan halos lahat ay may hindi na titingnan sa pinagdaanan.

Ang aabangan ay ang tambalang Sofia at Allen.

What does the future hold for them in the career they embraced?

Nasa New Zealand si Direk Frasco nang ganapin ang mediacon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …