Thursday , June 4 2026
Lance Carr Harana

Lance Carr nagpaliwanag sa viral Harana video

I-FLEX
ni Jun Nardo

UMINGAY ang pangalan ni Lance Carr nang mag-viral ang pagkanta ng awiting Harana sa mga candidate ng isang pageant sa San Fernando, Pampanga nitong nakaraang lingo.

May linya sa kanta na salitang gago eh nang bigkasin niya ‘yon, nagkataong isang kandidata ang nakuha niya.

“Hindi naman po intentional ‘yun. Nagkataon lang at humingi ako ng sorry sa kandidata,“ rason ni Lamce sa mediacon ng movie nila ng ka-loveteam na si Aubrey Caraan na Rosario.

Ayon naman kay Aubrey, natawa naman siya nang mapanood ang video. At least daw, naging viral ang video ni Lance na milyon ang nakapanood.

Anyway tungkol sa pamahiin sa mga patay ang movie lalo na ang paglalagay ng rosary sa kamay ng namatay at pagputol nito bago ilibing upang hindi magsunod-sunod ang mamatay sa pamilya o makaranas ng kapahamakan.

Sa April 22 ang showing ng pelikula na idinirehe ni Roni S. Benaid mula sa Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …