Thursday , June 4 2026
Kiray Celis

Kiray inamin mas malaki kita sa live selling

I-FLEX
ni Jun Nardo

AMINADO si Kiray Celis na mas malaki ang kinikita niya sa live selling kaya naman nililimitahan niya na rin ang pagtanggap ng trabaho sa showbiz.

Eh plano na rin naming magkaroon ng pamilya kaya nagpaalam na rin ako sa manager ko sa Sparkle,” pahayag ni Kiray sa launching ng bago niyang produktomg Barley’s.

Sinubukan muna niya ang produkto at maayos ang resulta sa kanya. Puwede rin ito sa may PCOS at irregular na dating ng monthly period.

Malaking pamilya ang gusto ni Kiray. Pero sabi niya, “Hindi ko na kaya anag araw-araw! Kayo, kaya pa ba ninyo? Kayo talaga!” biro ni Kiray.

Nagtagumpay nga si Kiray sa negosyong pinasok niya at kasama ang asawa sa pag-aasikaso nito. Prinsesa ang turing sa kanya ng asawa na halos siya ang gumagawa sa lahat ng bagay gaya ng ama niya na image model sa lalaking pinakasalan.

Ayon kay Kiray, magkaibigan sila ng asawang si Stephen Estopia kaya maligaya silang dalawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …