Thursday , June 4 2026
Barbie Imperial Annabelle Rama

Nagkikislapang alahas ni Barbie bigay ni Annabelle

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI itinanggi ni Barbie Imperial na ang makikinang na suot-suot niyang alahas sa advance screening ng pinakabagog action series ng Kapamilya na pinagbibidahan nila nina Richard Gutierrez, Bela Padilla, at Gerald Anderson, ang Blood vs Duty na isinagawa sa Trinoma ay mula kay  Ms. Annabelle Rama.

Agaw-pansin ang mga naggagandahan at makikinang na alahas na suot ni Barbi kaya hindi ito nakaligtas sa panunuri ng entertainment media. 

Hindi naman itinago ni Barbie kung kanino nga ang mga alahas na suot-suot.

Ani Barbie, “’Yung iba po kay Tita Annabelle, ito (hikaw na may malaking bato) po bigay niya.”

Samantalang ang kwintas, “Ay, akin naman po ito may pambili naman ako,” natatawang tugon pa ng aktres.

Ani Barbie malaking bagay na magkatrabaho sila sa isang serye ni Richard. 

Kaya kung may natutuhan siya sa aktor, sinabi ng aktres na, “Siguro po kasi ang dami niyang experience sa action. Sobrang suwerte ko lang po na palagi kaming magkasama kung ano ‘yung mga kailangan kong gawin.

“Ginagabayan niya rin ako like sa Muay Thai, boxing parati siyang nandiyan,” exciting na pagbibida ni Barbie.

Kitang-kita sa mga ngiti kapwa nina Richard at Barbie na maganda ang samahan nila kaya binibiro ang mga ito na hindi sila toxic sa kanya-kanyang buhay ngayon.

Ang Blood vs Duty ay idinirehe nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro, kasama si Erwin Taglebilang action director.

Mapapanood na ito simula Abril 3 sa Netflix at April 4 sa iWant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …