SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
“I’VE been wanting to work with Barbie.” Ito ang walang kagatol-gatol na tinuran ni Richard Gutierrezsa Blood vs Duty mediacon na isinagawa sa Dolphy Theater noong Biyernes ng hapon.
Isang maaksiyong serye na naman ang pagbibidahan nina Richard at Gerald Anderson, ang Blood vs Duty handog ng JRB Creative Productions ng ABS-CBN kasama sina Bela Padilla, Baron Geisler, at Barbie Imperial.
Bago ang mediacon, nagkaroon muna ng advance screening na isinagawa sa Cinema 7 ng Trinoma na ipinanood ang isang liggong episode na umpisa pa lang ay punompuno na ng bakbakan. Kaya tiyak na kagigiliwan ito ng mahihilig sa aksiyon. Ang kuwento ay ukol sa sistema at korapsiyon na susubok sa katapatan at sinumpaang tungkulin.
Pagkatapos ng advance screening nagkaroon ng mediacon na natanong ang aktor ukol sa kung ano ang pakiramdam na katrabaho sa serye ang love of his life na ang tinutukoy ay ang aktres na si Barbie. Ginagampanan ni Barbie ang kapatid ni Gerald.
“Of course why not? I’ve been wanting to work with Barbie, of course kaming dalawa we’ve been working hard for years and years.
“I think it’s an exciting journey and we’re guided by great creatives and great directors and JRB (Julie Anne R. Benitez) unit loves Barbie and it’s my first with JRB unit and it’s an honor for me to be part of this group and it’s been good so far,” tugon ng aktor.
At para kay Barbie, hindi niya alam na si Richard ang makakatrabaho niya. Basta grateful at thankful siya sa bagong trabaho.
“Actually I’m still in ‘Sins of the Father’ when Ms. Julie told me at patapos na kasi po ‘yun tapos sabi ni Ms. Julie, ‘may show tayo ulit.’
“And wala po akong idea kung sino ang makakasama ko and I’m so grateful and thankful. And yes I’m so happy kami kasi ni Richard mahilig siyang manood ng films ng kung ano-ano and ang dami niyang ideas. Minsan out of nowhere ang dami na niyang plano.”
Sinang-ayunan din niya ang unang tinuran ni Richard na matagal na nilang gustong magkatrabaho.
“We wanted to work (together) matagal na, so, I’m so grateful and thankful,” wika pa ng aktres.
Sa screen kitang-kita ang pagka-inspire magtabaho ni Richard at in fairness magaling na siyang umarte.
“Balance-balance lang tayo ‘pag may time. Malaking bagay ‘yun na magkasama sa serye at after Holy Week dire-diretso na kami (sa taping),” ani Richard.
Sinabi pa ni Richard na naka-focus siya sa Blood vs Duty kaya malayo pa na pagtuunan o bumuo mul siya ng pamilya.
“Focus ko right now itong work ko. I’m not looking beyond anything. Inspired sa life, inspired sa work, good times ahead especially now na nasa first slot kami ng primetime,” giit pa ng aktor.
Ang Blood vs Duty ay idinirehe nina FM Reyes, Bjoy Balagtas, at Rico Navarro, kasama si Erwin Taglebilang action director. Kasama naman sa mga sumulat nito sina Dindo Perez, Cenon Palomares, Jann Kayla Mendoza, at Shania Vonzel.
Kasama rin sa serye sina Ejay Falcon, Rommel Padilla, Susan Africa, Bobot Mortiz, Bodjie Pascua, Malou Crisologo at marami iba pa.
Si Richard si Marcus habang si Bela si Lara, at si Baron si Felix na mga government agent na may misyong tapusin ang malawakang karahasan dulot ng mga ilegal na baril.
Protektor ng isang komunidad ng mga mangingisda si Gerald bilang Jalil kasama ang kapatid na si Barbie bilang Jamilah at ang amang si Datu Rahman na karakter ni Jaime Fabregas.
Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang nasa likod ng Blood vs Duty sa pangunguna nina Julie Anne R. Benitez at creative head na si Dindo Perez. Ang JRB Creative Production ang creator ng Kapamilya serye na Ang Sa Iyo Ay Akin, Mars Ravelo’s Darna, Nag-aapoy na Damdamin, at Sins of the Father.
Mapapanood na ang Blood vs Duty sa Netflix simula Abril 3 (Biyernes), sa iWant simula Abril 4 (Sabado), at sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live simula Abril 6 (Lunes).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com