Friday , March 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Tañada Vean Olmedo Ang Bangkay

Vince Tañada at Vean Olmedo, may eksenang incest sa Ang Bangkay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SENSITIBONG paksa ang mapapanood sa pelikulang Ang Bangkay (The Embalmer), kaya nakakuha ito ng R-18 rating sa MTRCB. Ito ay isa sa entry sa ongoing 8th Sinag Maynila Independent Film Festival.

Ang pelikula ay isang trahedya tungkol sa mga lihim na bumabalot sa bahay ng isang biyudong embalsamador. Ito ay halaw sa Palanca-award winning full-length play noong 2012 ni Direk Vince Tañada, na siyang direktor at bida sa pelikula.

Ayon kay Direk Vince, “Ito ay tungkol sa isang pamilya… and it has like hundreds of profanity, ang dami pong mga murahan, it’s about incestuous relationship, it’s about violence and sa pagmamalabis ng isang ama.”

Kabilang sa cast sina Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Lili Montelibano, Juan Paulo Calma, Mercedes Cabral, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.

Nagkuwento si Vean sa kanilang pelikula. “Ang role ko po sa movie, ako po si Isabel, the daughter of señor Segismundo Corintho, which is si Direk Vince. Isa akong anak na namatayan ng nanay, isa akong anak na pinagkaitan ng pagmamahal para sa aking minamahal na si Lemuel, which is Johnrey Rivas. Si Isabel kasi ay isa siyang malungkot na anak.

“So, as Isabel, I feel  like I’m also a bangkay, na parang nabubuhay ako, pero ang pakiramdam ko ay para lang akong bangkay na walang karapatang makaramdam nang kahit ano at dad ko lang ang magde-decide para sa akin.”

Inusisa rin namin si Vean kung sino ang ka-love scene niya sa movie? “Actually, si Johnrey ang partner ko rito, pero ang ka-love scene ko ay ang tatay ko.

“Yes po, may incest, malalim talaga ang story nito, maraming twists and turns and questions for the entire film,” pakli ni Vean.  

Dahil Buwan ng Kababaihan itong filmfest, may significance ba ito sa papel niya sa pelikula, “I wanna base my answer to isabel’s character, base kay Isabel kasi, she is one of the woman na talagang inabuso. In all aspect of love – love of the father, partner, and all.

“Ang Bangkay is 1900s era kasi iyong atake namin doon and sa nangyari sa buhay ni Isabel, she doesn’t have any right to speak about it, do something about what happened to her, during that time… and I think it’s about time — kung natapos na ninyong panoorin ‘yung film namin, I think it’s about time to speak about what is right for the woman to do. Kailangan natin magsalita bilang babae, dahil hindi tayo babae lang, babae tayo. Hindi tayo dapat dini-disregard with our emotions and actions, kung ano ang kakayahan ng isang lalaki, kakayahan din namin bilang babae,” mariin na esplika pa ni Vean.

Tinanong din namin si Direk Vince kung bakit nakakuha ito ng R-18?

Tugon ng lawyer-turned-filmmaker, “Maraming frontal nudity dito, ako may dalawa o tatlo, si Johnrey mayroon, si Juan Calma, sina Lili at Vean, mayroong tig-dalawa. Si Mercedes, mayroon din.” 

Ayon pa sa kanya, “May frontal nudity ako rito na kaharap ko ang salamin na parang ka-sex ko ang sarili ko. Mayroon din ako kay Vean Olmedo at kay Lili Montelibano. Si Johnrey mayroon siyang parang nagma-masturbate… But this is an art film, wala namang naghubad dito na walang saysay at hindi kailangan sa istorya.”

“Sobrang shocking itong movie, kaya kailangan mapanood nila. Kasi iyong lahat nang hindi nakikita sa normal na pamilya, rito makikita nila,” pahabol pa niya,

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Senakulo 2026 Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo

Senakulo 2026: Ang Sanhedrin ng Don Bosco Tondo,  
Mas personal na paglalakbay ng pananampalataya tampok na danas  

NAGBAHAGINAN ng kanilang mga naramdaman ang ilang dumalo sa paunang-silip ng Senakulo 2026: Ang Sanhedrine …

Gigi De Lana

Gigi de Lana drama raw pagkahimatay? Promoter desmayado 

MA at PAni Rommel Placente TOTOO bang sinadya ng singer na si Gigi de Lana ang pagkahimatay …

Robb Guinto Desperada

Robb Guinto ‘di nag-hysterical, kapuri-puri acting sa Desperada

MA at PAni Rommel Placente HINDI lang paghuhubad ang alam gawin ni Robb Guinto sa pelikula kundi …

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Rhen aminadong nahirapan ilabas funny side ni Aemie, Direk Fifth to the rescue

RATED Rni Rommel Gonzales LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband …

Sa Likod Ng Tsapa Editha Ging Caduaya

Docu film ni Caduaya patuloy na kinikilala abroad

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at pagpapakilala ng kanyang …