Thursday , June 4 2026
Rhen Escano Joseph Marco My Husband Is A Mafia Boss

Joseph at Rhen fans gumagawa ng paraan para magkaligawan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISA na namang Wattpad sensation ni YannaLovesYouu! ang ihahatid ng Viva Productions simula sa Abril 14, 2026.

The *BIGGEST ROMCOMACTION OF 2026* kung ilarawan ang idinirehe ni Fifth Solomon sa Viva One.

Ito ang My Husband is a Mafia Boss na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Escaño.

Tila gumawa ng supporters nila sina Rhen at  Joseph. Dahil sa ginanap na mediacon nito, iisa ang wish ng mga fan.

Na matuloy sa ligawan ang pagsasama ng dalawa.

Kasi naman, sa taping pa lang daw nila, so very much at home sa isa’t isa ang mag-partner sa istorya. 

It looks like lahat naman ng ingredients for a project like this to succeed ay ang pakikipag-trabaho ng bawat involved sa kanilang ginagawa.

Both Rhen and Marco are one in saying na napakalaking push sa kanila ang ibinibigay na workshop ng kanilang direktor para mas umigting pa ang  mga emosyon para sa mga katauhang bubuhayin nila.

Inamin naman nila na sa bawat taping ay mas lumalalim ang pagiging magkaibigan. Na hindi malayong humantong sa inaasahan ng mga tagahanga nila.

Hindi nga raw madali para kay Rhen na i-portray ang karakter ng isang Aemie dahil sa kakaibang kabaliwan nito sa pagku-krus ng landas nila ng karakter ni Joseph. Na non chalant lang bilang si Ezekiel Roswell. 

Something to look forward to. Milyon na ang  nakasaksi sa trailer.

Na nagpapatunay lang na hindi mawawalan ng tagasubaybay ang romcom na ito. 

Na ang cast ay sinamahan pa ng mga hahangaang mga artista of this generation.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …