RATED R
ni Rommel Gonzales
LABIS ang pasasalamat ni Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ngViva One series na My Husband is a Mafia Boss. Pinagbibidahan ito nina Rhen at Joseph Marco.
Dahil daw kay Fifth, ani Rhen ay naitawid niya ng maayos ang papel niya sa serye bilang Aemie.
“Malaking bagay ‘yung workshop bago nag-start ‘yung taping kasi first time kong gumawa ng romcom na comedy talaga,” lahad ni Rhen.
“Alam na alam ng lahat kung gaano kabaliw si Aemie. Sobra ‘yung character niya, talagang malala.
“Hindi siya madaling i-portray.
“Honestly ang hirap ng kailangan kong maging OA.
“So noong workshop namin, as in siguro nakaka-two days na kami, nagwo-worry ako na hindi siya lumalabas naturally, tapos halatang iniisip ko ‘yung script.
“Hindi mailabas ang funny side ko.
“Akala ko noong una, ‘Hindi ko yata kaya. Paano?’
“Buti na lang, si direk Fifth nandoon. Sobrang hands on po niya.
“Kahit sa workshop, sumasama siya sa amin and we all know naman na sobrang witty and funny ni direk Fifth.
“Kung kilala ninyo siya as a friend, alam ninyo talaga na sobra ‘yung imagination niya na nakatulong talaga.
“Kaya roon sa trailer, malaki ang percentage na ambag ni direk Fifth.
“Lumabas ‘yung character ni Aemie na sobrang funny na hindi kailangan na piliting maging funny,” pagbabahagi pa ni Rhen.
Makakasama nina Joseph at Rhen si Ara Mina, bilang ina ni Aemie na si Alyana, gayundin sina Priscilla Meirelles, Frost Sandoval, Sara Joe, Kyosu Guinto, at ALAMAT members Mo Mitchell at R-Ji Lim, na may mga mahahalagang papel na lalong magpapatindi ng action at romance ng serye.
Kukompleto sa talented cast sina Simon Ibarra, PJ Rosario, Maru Delgado, Kelley Day, Anjo Damiles, Akihiro Blanco, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Roberta Tamondong, Dann Aquino, Aaliyah Coco, Hazel Calawod, Naz San Juan, Bianca Santos, Yuki Sonoda, Sandex Gavin, at Edsel Santiago.
Pasukin ang mundo ng mafia at damhin ang kilig at aksiyon sa My Husband Is a Mafia Boss. Samahan sina Aemie at Zeke sa bawat kapana-panabik na twist ng kanilang love story. Eksklusibong panoorin ang serye sa Viva One simula April 11, na susundan ng bagong episode tuwing Sabado.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com