MULING nag krus ang landas ni dating Manila Mayor Honey Lacuna at Manila Mayor Isko Moreno matapos na magkahiwalay mahigit na sa isang taon dahil sa pulitika.
Nalaman na si Moreno ay bumisita sa mausoleum ng namayapang dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna nang magdiwang ng kaarawan ang huli nitong Marso 23 sa Manila South Cemetery. Si Lacuna ay nasawi noong Agosto 2023.
Kasama ni Moreno was accompanied si secretary to the mayor Manuel ‘Letlet’ Zarcal at hinarap naman ng asawa ni Lacuna na si Inday kung saan nandoon rin si Lacuna at dating press information officer, Atty. Princess Abante at Congressman Rolan Valeriano ng ilalawang Distrito.
Sanhi nito,nagkaroon ng haka-haka na nagkabati na si Lacuna at Moreno.
Magugunita na unang nakipagbati kay Moreno si Congressman Joel Chua (3rd district, Manila) matapps na mamagitan ang.kanilang mga kaibigan. (BONG SON)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com