Monday , March 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kamara, Congress, money

Habang may tensiyon sa Gitnang Silangan
Panukalang batas para sa maliliit na negosyante inihain sa Kamara
Rental rate freeze iminungkahi

INIHAIN ni Navotas Representative Toby Tiangco  ang House Bill No. 8715, na naglalayong magbigay ng agarang tulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapataw ng pansamantalang rental rate freeze sa mga residential at commercial rental rates ng MSME; pagpapaliban ng mga pagbabayad sa housing loan nang walang multa; pagpapahintulot sa mga emergency loan mula sa SSS at GSIS; at pagdedeklara ng moratorium sa accrued interest sa mga pautang ng gobyerno.

Sa panukala, layon nitong patatagin ang mga pamilihan at protektahan ang mahihinang sektor mula sa masamang epekto ng tumataas na gastos sa gasolina.

Napansin ni Tiangco ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na bumubuo ng 99.6% ng mga negosyo sa buong bansa, ay kabilang sa mga pinaka-apektado ng krisis sa gasolina.

Ang iminungkahing panukala ay nagpapahintulot din sa mga ahensiya ng gobyerno at sa kanilang mga subsidiary na makipagsosyo sa registered transport providers upang maghatid ng libreng pampublikong transportasyon sa panahon ng national or local emergencies para matiyak ang patuloy at mabilis na pagkilos ng mga pampublikong sasakyan.

“Sa panahon ng krisis, kailangan ang agarang aksiyon. Responsibilidad ng pamahalaan na gawin ang lahat nang makakaya nito para maibsan ang hirap na ating pinagdaraanan,” aniya.

Ang Filipinas aniya ay nag-aangkat ng higit sa 90 porsiyento ng mga pangangailangan sa langis mula sa Middle East, na kasalukuyang nasa gitna ng tensiyon. Nahaharap sa matinding kahinaan sa global oil shocks, ang bansa ay nakaranas ng magkakasunod na linggong pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“It is our job to protect vulnerable sectors from the adverse effects of sudden fuel price hikes. To this end, it is imperative that we provide immediate relief, while ensuring fiscal sustainability and equitable burden-sharing,” aniya.

Iginiit ni Tiangco na pansamantala lamang ang mga relief measures at tatagal hanggang anim na buwan mula sa bisa nito, o hanggang ma-certify ng Pangulo sa pamamagitan ng proklamasyon na ang pambansang average na presyo ng gasolina (tulad ng iniulat ng Department of Energy) ay naging matatag sa ibaba ng P60 kada litro para sa gasolina at diesel. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

SI Alyssa Valdez ng Creamline bilang PVL Press Corps Player of the Week. (PVL photos)

PVL Press Corps Player of the Week – Alyssa Valdez ng Creamline

MAAARING sumibol at maglaho ang mga bituin, subalit ang ‘Phenom’ ay nananatili sa kinalalagyang nararapat …

All-Women Sports Awards Filipinas, Athletes of the Year sa 2025

All-Women Sports Awards Filipinas, Athletes of the Year sa 2025

DUMALO ang mga bigating personalidad sa isports sa ginanap na 3rd PSC All-Women Sports Awards …

Mayor Atty Christian Natividad Malolos OFWs cash aid

Tulong pinansiyal sa pamilya ng OFWs ipinagkaloob ni Mayor Atty. Christian Natividad

SA GITNA ng tumitinding tensyon at banta ng digmaan sa Middle East, agad na umaksyon …

UPMG PSAHA feat

Where Ink Meets Innovation

UPMG celebrates the power and evolution of print at the Print Summit & HeADliners Awards …

Ani ng Laguna ANILAG Festival

ANILAG FESTIVAL LEVEL UP 2026

ni Roderick Palatino LAGUNA — Pinasigla at nagbalik tanaw ang mga manonood sa kanilang kapanahunan …