I-FLEX
ni Jun Nardo
KINILIG ang fans na dumalo sa mediacon ng coming Viva One series na My Boyfriend Is A Mafia Boss nang sabihin ng bidang si Joseph Marco na wife material ang leading lady niyang si Rhen Escano.
Namula ang mukha at nagulat si Rhen sa pahayag ni Marco. Hindi naman itinaggi ng aktres na boyfriend material si Marco.
Mula sa panulat ni YanaLovesYou ang series na maraming cast na baguhan at mula sa direksiyon ni Fifth Solomon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com