I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKI ang hawig ng Kapuso PBB Collab 2.0 big winner Caprice Cayetano kay Heart Evangelista. Nakita rin ni Heart si Caprice noong mapanood niya ang PBB.
Eh idol pala ni Caprice si Heart. Kaya naman nakuhanan ng message si Heart para kay Caprice sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.
Mensahe ni Heart, puwede silang maging mag-ina sa series. Basta may kailangang damit si Caprice, tawagan lang si Heart kung ano ang gusto maski gown at ipadadala niya!
Siyanga pala, nabili na ni Caprice ang dream car niyang van para magamit sa trabaho pati na rin ng pamilya niya.
Maging si Will Ashley ay nabili na ang dream car niyang Land Cruiser.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com