SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
NAG-IISANG choice ni direk Vince Tanada si Mercedes Cabral para gampanan ang pape ni Miding at magbida sa Ang Bangkay na 1st prize winner sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literaturenoong 2012.
Ani direk Vince, sa isinagawang mini presscon ng Ang Bangkay na Sinag Maynila 2026 entry ng Philstagers Theater Foundation, na “from the very start si Chedeng (tawag kay Mercedes) talaga ang nasa isip ko.
“She knows that, it’s Chedeng or we will not do the film,” tigas niyang turan.
“Alam naman niya na I’m a fan. So, ang pinaka-andoon naman iyong sayaw at iyong mga ibang Brillante pero talagang nakita ko na dapat talaga na si Mercedes nang mapanood ko siya sa ‘Oro’ na underrated siya roon. Na dapat siya iyong best supporting actress. Dapat siya.
“Noong nakita ko siya sa ‘Oro,’ sinabi ko kay direk Bong (Ramos, associate director) na hindi ang ‘Oro’ kasi gusto ko iyong emotional wisdom para kay Miding. And we translated it to ‘Ang Bangkay.’ But sorry ha, better. May mga word siya roon sa ‘Oro,’ here iyong breakdown scene niya medyo wala. Noong last day namin na nag-iinuman kami, si Chedeng was in the pool, nandoon kami ni direk Bong, sabi ko kay direk Bong, ‘di ba tama ako at sabi niya, ‘Oo.’
“If not for Chedeng hindi talaga namin ito gagawin,” giit pa writer, director Vince.
“Totoo! Ang pelikulang ito ay para lang talaga sa akin, that was the intention. If I grow old I can see all the scripts that I did, immortalize into a film. Kasi kumbaga gusto mo lang siyang makita kasi ang play it’s fleeting. Hindi mo naman siya maire-record. No particular performance which is alike, everything is difference.
“So, sabi ko kailangan kong magawa ‘Ang Bangkay’ into a film at mabuti pumayag si Chedeng.
“Kung hindi siya pumayag hindi na namin gagawin. In fact mayroon talagang Isabel (na ginagampanan ni Vean Olmedo, stage actress) pero ayaw ko nang sabihin kasi baka…artista siya na sikat. Hindi siya natuloy maybe of the nudity, because of the objective of the film.
“Klaro rin sa kanila kung saan papunta at kung ipalalabas ba itong film or what? Basta gawin natin,” paliwanag pa ng direktor.
Naikuwento pa ni Atty. Vincena noong nalaman ng star na walang mga planong ganoon (ipalabas), “at may nudity pa despite the fact that she love the script at gustong-gusto niyang gawin,kaya lang ang mom niya nagsabi na ayaw. Pero maganda talaga ito sa kanya, bagay din sa kanya. Pero itinuloy pa rin namin with Vian as original Isabel in the Play. Pero kung hindi si Chedeng hindi namin gagawin. She’s really Miding.”
Natatawang reaction ni Chedeng sa tinuran ni direk Vince, “Yes, thank you. Kapag nalaman mo ang mga ganitong bagay during or before shooting it adds pressure kasi hindi ba? Mararamdaman mo iyon in a way may expectations na iyong mga katrabaho mo.
“Mas gusto ko na pumupunta sa set na walang expectation din talaga just feel and experience everything.
“And sa akin kaya lang ganoon ang pakitungo ko sa mga actor and staff, kasi hindi ako naniniwala sa ganoon na porke ganyan, celebrity or artista. Tama iyong sinabi mo na we are all actors and the staff we work with the set lahat iyan katrabaho mo.
“So, dapat itrato mo kung paano mo tinatrato iyong direktor mo, co-actor, bida dapat ganoon din eh. Hanggang sa nagbibigay ng coffee, nagbibigay ng upuan, like nagpapayong, kasi they do everything for you to be comfortable, they give you space.
“So ang sa akinm I have respect to all the people I’ve work with. Tina-try kong kilalanin although I sacked at names pero tina-try ha ha ha. Bina-value ko iyon eh. I do it hindi para sumipsip or hindi pakitang tao. It’s for me rin na I want to be comfortable sa set na dapat parang i set iyong ka-vibes iyon.
“Ayaw kong mag-atitude at hindi ki naiintindihin ang mga nag-a-attitude sa set. Kasi sa akin magkatrabaho tayo tapos gaganyan ka. Hindi ako sanay sa ganoon. Kung mamalditahan mo ako at least binati kita hindi ko na kasalanan iyon,” paliwanag ni Mercedes.
Iginiit pa ni Atty Vince na ang mga bida bukod kina Mercedes at Vean, ay maituturing niyang best cast gayundin ang mga crew nito na naging close na nila habang ginagawa ang Ang Bangkay movie.
“Kaya walang naging masyadong tensiyon,” sabi pa ng aktor, direktor.
Kasama rin sa pelikula sina JohnRey Rivas at Lili Montelibano gayundin sina Juan Calma, Sarah Javier, JP Lopez, at OJ Arci.
Sa tanong kung bakit dapat panoorin ang Ang Bangkay bukod sa naging 1st prize ito sa Palanca, sinabi ni direk Vince na, “Panoorin n’yo na lang kasi maraming hubaran, violence, sex, kasi sabi niya mag-iisip. Ayaw mo mag-isip ng marami, manonood ka na lang mag-iisip ka pa, ‘wag na, maghuhubad kaming lahat, walang hindi.”
Sinabi pa ng direktor na tiyak maeeskandalo ang sinumang manoood. “Sobra silang maeeskandalo. Maeeskandalo talaga sila.
“May nabasa akong comment na, ‘panoorin n’yo kasi bumaligtad ang sikmura ko pagkatapos kong mapanood.’ Kaya sabi ko, ‘eh ‘di wow! masaya, maganda. Kasi lahat ng hindi mo inaakala kasi nga when I was writing this…I am a criminal lawyer, I’m a litigation lawyer, I was looking for usual cases, criminal cases na well, na nasa dockets natin sa mga port na mga pinaka-weird, ‘yung patayan, ang weird ng reason kung bakit. Sex-rape, grave threat, marami ritong grave threat, defamation.
“So when I was writing the play, inisip ko talaga I want to challenge the system, iyon ang una kong gusto. Kasi iyong taga-Gantimpala theater sinabing, ‘ikaw sulat ka nang sulat pero wala ka namang Palanca.
“So inisip ko, sasali ako sa Palanca pero lahat niyong hindi nananalo sa Palanca ilalagay ko. Pero hindi ko naman in-announce na sasali ako. Sumali ako noong 2012 walang war iyong story, it’s not a violent script, in fact t’s horrific and it has like 100 of profanities, puro mura ‘yung script.
“Kaya noong nanalo, nagtaka rin ako.
“in fact kinausap ako ng apo ni Palanca before the awarding sa Peninsula. Closed door iyon at sinabi sa akin na wala nga raw moral iyong story. Sabi ko, ‘do you want me to edit the story for the book?’ kasi that’s what they do, they released the book after the awarding.
“Ang sinabi lang naman niya, ‘no it’s about time that we welcome material like this. and we truly believe it’s quite important for our people to read the script in order for them to feel that what they are undergoing right now is better than your script.
“Sow! Nakaka-proud naman na puro kawalang hiyaan ang isinulat ko kasi para raw ma-feel ng lahat na mas maganda pa ang state ngayon kaysa pamilyang ito (Corintho family).
“Tama naman siya maraming symbolism, it’s about the women of Corinth and how they will and how they died like hell.
“This is something that we haven’t seen in a Philippine movies for a long time,” giit pa ni direk Vince.
Ang Ang Bangkay ay handog ng Philstagers Theater Foundation na entry nila sa Sinag Maynila 2026 at mapapanood simula March 23-29, 2026 sa mga sinehan sa Gateway Cineplex (Cubao), Eastwood Cinemas (Libis), Uptown Cinemas (BGC), Venice Cineplex (McKinley Hill), at Lucky Chinatown Cinemas (Binondo).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com