Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Sa Cavite
6 sasakyan inararo ng truck, 2 patay

KOMPIRMADONG patay ang dalawang biktima, habang tinitiyak pa ng pulisya kung ilan ang sugatan sa insidente ng pagragasa ng isang 10-wheeler truck na nawalan ng preno at sumagasa sa anim na sasakyan

sa Silang-Tagaytay Road sa Barangay Puting Kahoy sa bayan ng Silang, sa lalawigan ng Cavite.

Sa inisyal na ulat, dakong 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar. Sinabing mula sa Laguna ang 10-wheeler truck na minamaneho ng hindi kilalang driver ngunit mabilis na tumakas sa lugar ng insidente.

Nabatid na bumabagtas nang mabilis sa lugar ang truck at dahil pababa ang kalsada, mas napabilis ang takbo nito hanggang hindi na gumana ang preno kung kaya dere-deretsong bumulusok at inararo ang may anim na sasakyan na kinabibilangan ng isang SUV, tatlong kotse at dalawang motorsiklo na pawang may mga sakay.

Kinomporma sa ulat ng pulisya na dalawa ang patay habang itinakbo sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga sakay ng mga nadamay na sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …