MATABIL
ni John Fontanilla
PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal ng Pinas 2026 sa karangalang iginawad sa kanya bilang FM Female FM Radio Personality of the Year.
Post nito sa kanyang Facebook: “Lubos po akong nagpapasalamat Dangal ng Pinas sa pagkilala bilang Outstanding Female FM Radio Personality. Isang malaking karangalan ito para sa akin, lalo na’t ang tanging hangarin ko lang ay makapaghatid ng saya, at inspirasyon sa bawat tagapakinig araw-araw.
“Hindi ko ito makakamit kung wala ang suporta ng Barangay LS 97.1, mga kasamahan sa trabaho, at higit sa lahat, sa mga tagapakinig na patuloy na nakikinig at sumusuporta. Maraming salamat po sa tiwala at pagmamahal.
“Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa lahat ng taong naging bahagi ng aking paglalakbay sa radyo. 🎙️”
Bukod kah Mama Emma, wagi rin ang kanyang partner na si Janna Chu Chu bilang Outstanding Media Personality and Entertainment Influencer Award at kanilang radio program na SongBook na napakikinggan tuwing Sabado at Linggo, 6:00-9:00 a.m. bilang Outstanding Radio Program and Public Service Award.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com