Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philip Conrad Acop Comelec

Anak ng namayapang Rep. Acop wagi sa special poll sa Antipolo City

IPRINOKLAMA si Philip Conrad Acop, anak ng yumaong si Rep. Romeo Acop, na dati rin police general, ng Commission on Elections (Comelec) bilang nanalong bagong kinatawan ng Antipolo City 2nd District nitong Linggo.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, iprinoklama nila ang nakababatang Acop nang makakuha ng botong 60,051 sa idinaos na special election sa Distrito nitong Sabado.

Ani Garcia, ang botong nakuha ni Acop ay halos 33% ng voters turnout sa eleksiyon.

Sa panayam sa radyo, kinompirma ni Garcia ang proklamasyon kay Acop na isinagawa dakong 3:00 ng madaling araw kahapon, araw ng Linggo.

“Kaninang madaling-araw, 3:00 am eksakto, ipinroklama po ang bagong kongresista. Ito po ay si Philip Acop at siya ay nakakuha ng 60,051 boto sa kabuuang halos 33% voters’ turnout dito sa 2nd District Antipolo,” anunsiyo ng poll chief.

Matatandaang nagpasya ang Comelec na magdaos ng special elections sa congressional district ng Antipolo City nang sumakabilang-buhay ang nakatatandang Acop noong Disyembre 2025 dahil sa atake sa puso.

Nakatunggali ng nakababatang Acop sa puwesto sina Dandin Infante, Reden Llaga, Ma. Trinidad Galang Nathaniel Lobigas, at Irvin Paulo Tapales.

Kaugnay nito, sinabi ni Col. Eleazar Barber Jr., Rizal police director, ilang police personnel ang nananatiling naka-standby sa kani-kanilang lugar para magsagawa ng checkpoints at tulungan ang Comelec personnel na ihatid at ligtas para bantayan ang lahat ng ballot boxes patungong sa Sta. Rosa, Laguna matapos ang eleksiyon. Patuloy ang pagpapatupad ng gun ban hanggang Marso 29.

Ayon kay Brig. Gen. Hansel Marantan, Calabarzon police director, na ang tagumpay ng mapayapang halalan sa Antipolo City ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng magkasanib na puwersa mula sa PNP, AFP at iba pang katuwang na ahensiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

Candon City, magho-host sa pagbabalik ng Volleyball All-Star event

MAGBABALIK ang inaabangang Volleyball All-Star Showcase kung saan muling magsasama-sama ang mga star ng propesyonal …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …

Police line do not cross

Sa Nueva Ecija
Bangkay ng mag-asawa itinapon sa irigasyon

NATAGPUAN ang mga labi ng matandang mag-asawa na halos limang araw nang nawawala na nakasilid …

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …