Thursday , June 4 2026
Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 9 Marso.

Kinilala ang biktimang si Ramil Segguep, 30 anyos, residente ng Purok 3, Brgy. Casongsong, sa bayan ng Guimba, lalawigan ng Nueva Ecija.

Nabatid na nagtatrabaho ang biktima bilang kargador sa isang pagawaan ng semento sa Sta. Maria, Bulacan.

Natagpuan ang kaniyang bangkay dakong 7:00 ng umaga na walang suot na pang-itaas at naka-shorts lamang.

Ayon sa asawa ng biktima na si Marylyn Segguep, tumawag ang San Ildefonso MPS upang ipaalam ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa.

Ayon kay Marylyn, may pitong tama ng bala sa katawan ang biktima – apat sa likod, dalawa sa balikat, at isa sa sintido.

Bukod dito, nakatakip ng packing tape ag bibig ng biktima at facemask sa kaniyang mata nang matagpuan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, huling nakitang buhay ang manggagawa noong gabi ng Linggo, 8 Marso.

Ayon sa isang driver sa kanilang pinagtatrabahuhan, nakipag-inuman umano si Segguep sa dalawang lalaki sa barracks.

Matapos ang inuman, naligo umano ang biktima bago umalis ng barracks bitbit ang kaniyang bag.

Sinabi umano niya sa katrabaho na uuwi siya nang gabing iyon sa Guimba dahil may susundo sa kanyang nakakotse.

Samantala, sinabi ni Marylyn na huli silang nag-usap 5:00 ng hapon at wala umanong nabanggit na uuwi siya sa Nueva Ecija.

May isa pa aniyang tawag ang kanyang asawa bandang 7:00 ng gabi ngunit hindi niya nasagot.

Kinabukasan, natagpuan na ang bangkay ni Segguep sa Bulacan na nakahandusay sa tabi ng kalsada.

Ayon pa kay Marylyn, sampung taon nang nagtatrabaho si Ramil sa pagawaan ng semento at walang nababanggit na kaaway o nakaalitan.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at malaman ang mga posibleng responsable sa pagpatay. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …