Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban The Silent Noise

Angelica ramdam bigat ng bawat eksena habang ginagawa ang The Silent Noise

ni ALLAN SANCON

STAR studded ang katatapos na Blue Carpet Premiere ng bagong seryeng The Silent Noise ng Prime Video at ABS-CBN Studios na ginanap noong Marso 10 sa Gateway Mall 2. 

Sa advance screening ng nasabing serye ay  napanood ang unang episode ng The Silent Noise, na namangha ang mga manonood sa kagulat-gulat na pangyayari dahil sa mga misteryong hatid ng kuwento.

Kabilang sa mga dumalo sa premiere night ang mga bida at kilalang personalidad tulad nina Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban, Joem Bascon, Mutya Orquia, Zaijian Jaranilla, Karina Bautista, Tommy Alejandrino, at KD Omalin. Lalong naging engrande ang gabi dahil sa presensya ng buong cast na todo-suporta sa bagong proyekto.

Ayon kay Zanjoe, hindi basta ordinaryong drama ang serye dahil puno ito ng tensyon at emosyon. 

Ito yung klase ng kuwento na habang pinanonood mo, parang may mabigat na katahimikan na unti-unting nababasag. Maraming lihim ang mabubunyag at siguradong mabibigla ang viewers,” pahayag ng aktor tungkol sa serye.

Ibinahagi naman ni Angelica na isa ito sa mga proyektong talagang tumatak sa kanya bilang artista. “Napaka-intense ng story. Habang ginagawa namin ito, ramdam namin ‘yung bigat ng bawat eksena. Excited ako na makita ng mga tao kung paano nagbabago ang mga karakter kapag lumalabas na ang mga sikreto,” anang aktres.

Matapos ang screening ay nagkaroon din ng grand media conference na nagkuwento ang cast at creators tungkol sa paggawa ng serye. Espesyal ding inimbitahan ang mga miyembro ng Filipino Sign Language community bilang pagkilala sa karakter ni KD na isang batang bingi sa kuwento, at sinigurong may FSL interpreters para mas maging eksklusibo ang programa.

Umiikot ang kuwento ng The Silent Noise sa isang pamilyang unti-unting nabubunyag ang malalalim na lihim matapos ang isang trahedya. Mapapanood ang serye simula Marso 20 sa Prime Video na dalawang bagong episode ang ilalabas bawat linggo—kaya asahan na ng fans ang sunod-sunod na rebelasyon na tiyak na magpapayanig sa mga manonood sa mahigit 240 bansa sa buong mundo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …