I-FLEX
ni Jun Nardo
PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa showbiz.
Sa isang interview, gusto niyang ipagpatuloy ang pagiging doctor para itulong ang kaalaman sa mga tao na feeling niya eh calling niya.
Licensed Physical Therapist si Rabiya at isang Cum Laude sa Iloilo Doctor’s College noong 2018.
Eh sa isang Instagram Story, ini-repost ni Rabiya ang screenshot ng Facebook page ng Tatak Ilonggo. Nakalagay doon ang NMAT (National Medical Admission Test) results. Kabilang si Rabiya sa pumasa na may general performance score na 741 at may rank na 99.
Sa isa pang pahayag, sinabi ni Rabiya na gusto rin niyang makilala bilang Doctor Rabiya Mateo at hindi lang Miss Universe Philippines.
Sa balak ni Rabiya, timing naman ang pagpirma ng isa ring beauty queen sa Sparkle na si Ahtisa Manalo.
Parang wala na sa picture ni Rabiya ang on and off boyfriend niyang si Jeric Gonzales, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com