Thursday , June 4 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

Inter-parliamentary courtesy o pag-iwas sa imbestigasyon?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

ISANG mabigat na paratang ang ibinato ni Senator Rodante Marcoleta na tila itinago ng pamunuan ng Senate Blue Ribbon Committee si Martin Romualdez habang isinasagawa ang imbestigasyon sa flood control corruption. Ayon kay Marcoleta, imbes harapin ng Senado ang seryosong alegasyon laban sa dating House Speaker, ginamit pa raw ang inter-parliamentary courtesy upang hindi ito mapatawag at mapasagot sa mga tanong.

Kung totoo ang pahayag ni Marcoleta, malaking usapin ito sa kredibilidad ng imbestigasyon ng Komite sa ilalim ni Senator Panfilo Lacson. Sa mga nagdaang pagdinig, paulit-ulit na lumitaw ang pangalan ni Romualdez sa testimonya ng ilang testigo at sa mga ulat na nag-uugnay sa kanya sa mga kontrobersiya sa flood control projects. Ngunit imbed ipatawag nang direkta, tila napupunta ang usapan sa ibang pangalan—mga taong hindi malinaw ang papel sa mismong budget allocation.

Para kay Marcoleta, hindi dapat maging dahilan ang inter-parliamentary courtesy para mapigil ang paghahanap ng katotohanan. Kung may mga alegasyon na kailangang ipaliwanag, lalo na kung may kinalaman sa bilyon-bilyong pisong pondo ng bayan, obligasyon ng Senado na siyasatin ito, kahit pa sino ang tamaan.

“Hindi po karaniwang pagnanakaw ang nangyari sa kasaysayan ng ating bansa,” giit ni Marcoleta kay Lacson. “Hindi po ba ninyo naiisip, mismong kaban ng bayan ang tumagilid? Pagkatapos magtatago kayo sa prinsipyo o doktrina ng inter-parliamentary courtesy?”

Mas lalo pang nagulo ang imbestigasyon nang lumabas ang kontrobersiyal  na press conference ng 18 diumano’y ex-Marines na nagkuwento tungkol sa pagdadala ng mga maleta ng pera sa iba’t ibang personalidad. Sa halip na magbigay-linaw, lalo lang nitong pinataas ang ingay sa usapin. Marami tuloy ang nagtatanong kung ito ba ay totoong whistleblowing o bahagi lamang ng panlilito upang mailayo ang pansin sa sentro ng imbestigasyon.

Totoo naman kaya ang mga bulongan  na ang naturang press conference ay pinondohan umano ng kampo ni Romualdez upang guluhin ang takbo ng mga pagdinig? At habang isinusulat ang kolum na ito, may mga usap-usapan pa na may ikalawang batch daw ng mga ‘sundalo’ na ilalabas sa mga susunod na araw. At ang tsimis ay popondohan pa rin ito ni Romualdez. Naku po, totoo naman kaya ito? Tsimis lang iyan…at ang bagong batch ay galing naman daw ito sa ibang grupo, pero pareho ang layunin—ang maglabas ng panibagong kuwento na magpapalabnaw sa isyu.

Kung may mga pangalan na paulit-ulit na lumilitaw sa mga alegasyon, katulad ni Romualdez, hindi sapat na itago sila sa likod ng tradisyon o courtesy. Mas mahalaga ba ito kaysa national interest? Malamang hindi. Mas dapat unahin ang paghahanap ng hustisya laban sa mga tunay na responsable sa problemang hanggang ngayon ay pasan ng mga mamamayang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …