MATABIL
ni John Fontanilla
ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. sa 40th celebration ng Victorino Mapa High School Batch ‘86 sa V. Mapa School Auditorium, San Rafael, San Miguel, Manila.
Kasabay ng ika-40 taon ang selebrasyon ng tatlong Batch ‘86 na ginawaran ng Mapa Blue Falcon Awards sa ginanap na 2026 V. Mapa Grand Reunion Homecoming sa Novotel Cubao Quezon City.
Ang tatlo ay sina Amelia Gomez, Business and Industry; Laurence B. Oliver, Medical and Health Services, at ang inyong lingkod for Arts and Culture.
Magiging espesyal na panauhin sa 40th celebration ang presidente ng V Mapa Alumni Association, si Mr. Reach Pen̈aflor.
Ang espesyal na selebrasyon ay sa pangunguna ng mga masisipag na organizers ng V Mapa Batch 86 na sina Rizal Guilermo, Loretta Lim, Emie Tugawen, Luis Lozano, Dhol Jinenez Bacani, Imee Valeza, at Noel Castillo Antioquia.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com