I-FLEX
ni Jun Nardo
TAHIMIK na ba ang pagmemenos sa mga artistang babae? Aba, malapit nang matapos ang Women’s Month, huh!
Ibalato na ninyo sa mga babae ang buwang ito. Tapos na ang panahong sinasabing second class citizen sila.
At kung minsan, nakaungos pa ang mga babae at lalaki sa ibang larangan, huh.
Kumusta naman kaya ngayon ang pamilyang Curtis? Mabuti na lang, matatalino ang magkapatid na Anne at Jasmine at gayundin ang matapang nilang ina, huh!
Laban, babae, laban!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com