Thursday , June 4 2026
Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kathryn, Mark PDA: netizen maraming eklay

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HATI pa rin ang reaction ng mga netizen sa pinag-uusapang ‘mall sighting’ kina Kathryn Bernardo at Mark Alcala.

May mga nagsasabi na nabawasan na ng interes ang madla dahil sa pinatagal pa nila ang tila pagpapakita ng kanilang totoong relasyon. 

Sey pa ng ilang netizen, “matagal nang nag-assume ang sambayanan sa relasyon nila dahil na rin sa mga sighting sa kanila. Ang dami nilang eklay as if mga teenager na ngayon lang na-in love then may mga ganyang PDA, sinasadya man o hindi.”

Ang tila sinasabing PDA ay ‘yung pagpunas daw ni Kath sa labi ni Mark dahil may something yata habang nasa escalator sila. 

Nandiyan pa ‘yung tila bawal daw silang magpiktyur na magkasama noong may mga naka-identify sa kanila.

Sa kabilang dako, marami rin naman ang nagsasabing kinikilig sila at aprub na aprub sa kanila ang relasyon ng dalawa. May mga nag-coin pa ng names nila at tinawag silang MarKath o di kaya’y KathMark.

May mga iba pa ngang nagsabi na excited na silang makarinig ng wedding bells soon. Habang may mga nag-aakusa naman kay Lucena Mayor Mark na napaka-aga pa nitong magparamdam para sa 2028 elections.

There you go!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …