Thursday , June 4 2026
FFCCCII inilunsad Tiktok Video Competition

FFCCCII inilunsad Tiktok Video Competition 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MATAGUMPAY ang unang Tiktok Video Competition ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) kaya naman sa ikalawang pagkakataon, muling isasagawa ang pakontes para sa  mga malikhaing Filipino na sumali sa pinakabagong digital initiative na ito. 

Layunin ng TikTok Video Competition na i-highlight ang matagal nang pangako ng FFCCCII sa edukasyon, ang Operation Barrio Schools project.

Ani FFCCCII President Victor Lim, sa isinagawang Pandesal Forum kahapon ng tanghali sa Kamuning Bakery Cafe, ang kompetisyon ay bukas sa publiko.  

Para sumali kailangang lumikha ng nakaeengganyo at orihinal na short-form videos (1 hanggang 2 minuto) na nakasentro sa tema ng flagship civic project ng FFCCCII, na matagumpay na nag-donate at nagpagawa ng mahigit 6,500 rural public school buildings sa buong Pilipinas mula nang ito ay mabuo noong 1961.

Operation Barrio Schools is a testament to the enduring philanthropy tradition of Filipino Chinese community in promoting better public education and inclusive national economic development,” wika ni Pangulong Lim.  

Through this TikTok competition, we hope to engage the public and the younger generation, raise awareness about this decades-long project, and showcase how these public school buildings have become symbols of hope and progress in rural communities,” dagdag pa ni Lim.

Ang FFCCCII, nangungunang business federation na binubuo ng mahigit 170 Filipino Chinese chambers of commerce sa buong bansa, ay nananatiling nakatuon sa pagtataguyod para sa sustainable at inclusive economic growth.  

Ang video competition ay nagsisilbing isang modernong plataporma para maging tulay sa kasaysayan ng pagkakawanggawa ng organisasyon sa pabago-bagong pagkamalikhain ng mga digital storyteller ngayon.

Hinihikayat ang mga interesadong kalahok na lumikha ng mga TikTok na video na kumukuha ng diwa at epekto ng proyektong Operation Barrio Schools.

Ang FFCCCII ay dynamic na organisasyon ng negosyo na kumakatawan sa isang malawak na network ng mga Filipino Chinese Chambers of Commerce sa buong Pilipinas.  

Nakatuon sa pambansang pag-unlad, ang FFCCCII na aktibong nakikibahagi sa mga programang pang-ekonomiya at mga proyektong pansibiko, na ang proyektong Operation Barrio Schools ay isa sa mga pinakamahalaga at pangmatagalang kontribusyon nito sa mga Filipino.

May dalawang categories ang patimpalak, ito ay ang Category A: MyFFCCCIIBarrioSchool Journey; at ang Category B: TheFFCCCIIBarrioSchoolsStory

Bukas ito sa mga Filipino nationwide; 13 years old and above. 

Gumawa lmang ng 1-2 minute vertical TikTok video na may English Subtitles at dapat  itampok ang FFCCCII Barrio School experience, impact or topic. 

I-upload ang video privately at i-register via QR code. I-tag ang @ffcecil.official: at gamiting ang official hashtags na #FFCCCIIBarrioSchools

I-set ang video sa PUBLIC sa panahon ng official posting period – May 5 to May 15.

Ang total cash prizes ay umaabot sa P850,000 at ang grand prize ay P120,000, P80k ang 2nd place at P50K ang 3rd place. May limang special citations na tatanggap ng P30K bawat isa. May 20 na special consolation prizes naman na pagkakalooban ng P10K. 

Para sa ibang mga katanungan, mag-text o viber sa 09178481818 (Wilson Lee Flores, miyembro ng lupon ng FCCCCII at Tagapangulo ng Komite ng Pampublikong Impormasyon). 

Puwede ring i-text: 09537121878 Clarissa, 09338536429 Grace at 09234479291 Lanic. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …