Thursday , June 4 2026
Jasmine Curtis Smith

Jasmine inamin OA reaksiyon kina Mogato at Lingao

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS benggahin si Cong. Bong Suntay ay pinasaringan naman ni Jasmine Curtis -Smith ang dalawang broadcast journalist na sina Manny Mogato at Ed Lingao.

Ini-repost ng aktres sa social media kamakailan ang isang video na iniinterbyu nina Mogato at Lingao si Suntay patungkol sa pambabastos umano nito sa kapatid niyang si Anne Curtis.

“BAKIT TUMATAWA UNG MGA LALAKING HOSTS SA PAGTATANONG NILA?????? WALA KAYONG INIBA KAY BONG SUNTAY,” paninita ni Jasmine kina Mogato at Lingao na ipinost niya sa kanyang X

Maraming nagtanggol sa dalawang mamamahayag dahil ang paniniwala nila, ang pagtawa ng mga ito sa panayam ay bilang pang-asar kay Suntay dahil hindi sila kumbinsido sa pagtatanggol nito sa sarili.

Nang mabasa ni Lingao ang post na ‘yun ni Jasmine laban sa kanila ni Mogato ay sinagot niya ang nakababatang kapatid ni Anne. Nag-post din ito sa kanyang social media account. 

Sabi niya, “‘Yung iba namang nagkokomento na takot daw kami at bahag ang buntot kaya kami natatawa – I seriously don’t think we have the same threshold for fear.”

Kasunod nito, nag-post uli si Jasmine sa kanyang X account at dito niya inamin na pinagsisisihan niya ang ginawang paghahalintulad kina Mogato at Lingao kay Suntay. 

Sabi ng dalaga, naging OA raw ang kanyang pahayag at dala lamang iyon ng “frustration.” 

“I regret likening the hosts to Bong Suntay, that was too strong and said in frustration,” pag-amin ni Jasmine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …