Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofia Trazona

Sofia Trazona pinatulan komento ng step dad kay Anne 

MA at PA
ni Rommel Placente

MATAPOS makisawsaw ni Alvin Aragon sa isyu ni Quezon City Representative Bong Suntay sa pahayag nito  tungkol kay Anne Curtis, sinopla siya ng kanyang step son na si Sofia Trazona, na anak ng misis niya, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy.

Naging mainit ang usapan sa social media matapos sabihin ni Suntay na “nag-init siya” at may nabuhay na desire sa loob niya dahil ang ganda-ganda raw ni Anne nang makita niya ito sa Shangri-La.

“Kahit hindi si Anne ang tinitingnan mo nang may pagnanasa, may mag-iinit sa loob mo, lalo na kapag nakalabas pa ang cleavage mo at legs… Kaya Filipino men protect your wife, may ‘sin of lust’ kasi,” sabi ni Alvin sa isang social media post.


“And Filipino women dress modestly to avoid sexual desire. Kasi nga may ‘sin of lust’.  Alam n’yo mahirap talaga ‘yan iwasan. Si Jesus lang ang makatutulong sa ‘yo ma- overcome ‘yan,” dagdag pa ng dating actor.

Dahil dito, hindi nga napigilan ni Sofia na mag-react sa komento ng mister ng kanyang ina. Sabi nito sa isang social media post din, “Ang dumi mag isip ah walang respeto sa babae.


“Kung si Miss Anne, magsuot siya nang covered lahat, bestida, or kahit ano mang trip niyang suotin, if ‘yung lalaki tiningnan siya maliciously, that’s his problem… in other words, you just have malicious intent. 

“To the women out there, wear whatever you want. Jusko, hindi natin kailangang makinig, hindi natin kailangang bigyan pansin ang mga ganito mag-isip,” pasaring pa si Sofia sa kanyang step dad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ramil Omosura

Pinoy-Canadian Idol Ramil Omosura balik recording

MATABILni John Fontanilla MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding …

Arjo Atayde Maine Mendoza

Arjo nagpakilig sa kaarawan ng asawang si Maine 

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN at punompuno ng pagmamahal ang birthday message ni Quezon City District …

Glenda Dela Cruz Ogie Diaz

Stroke survivor Miss Glenda ininterview ni Ogie Diaz, sinagot pag-uugnay kay Zaldy Co

NOONG nakaraang taon, nakikipaglaban ang skincare at beauty mogul na si Glenda Dela Cruz, na mas …

Kip Oebanda Odette Khan

Veteran actress Odette Khan bumubuti na ang kalagayan

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY ng update ang writer-director ng Bar Boys na si Kip Oebanda sa kalusugan ng veteran …

Dr Michael Raymond Apacible Aragon Salome Salvi Tiyo Bri

Adult content creater Salome Salvi idinemanda ng KSMBPI 

I-FLEXni Jun Nardo NAKU, sinampahan na ng reklamo ang sexy actress turned adult content creator …