I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI tinanggap ni Anne Curtis ang apology ni Cong Bong Suntay. Mas acceptable sa aktres ang apology ng asawa nito na feeling niya eh apology talaga.
Malaman ang inilabas na statement ni Anne laban kay Cong. Suntay. Kaya naman, sumulong na ang pagreklamo sa Ethics Committee ng Kongreso ng ilang mambabatas laban sa kongresista.
Sa isang banda, kasagutan naman ng kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis Smith si Atty. Ferdie Topacio tungkol sa pagnanasa na tila paninisi sa aktres sa pagsusuot ng sexy wear.
Isang malutong na, “Dugyot ka!” ang buwelta ni Jasmine sa abogado.
Kung kailan Women’s Month, at saka naging sentro ng kontrobersiya ang mga babae, huh!
May giyera na nga sa Middle East, may giyera rin sa gitna ng politika at showbiz, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com