MATABIL
ni John Fontanilla
MULING magbabalik-recording ang Pinoy Canadian Idol na si Ramil Omosura na ilang taon ding nawala sa recording scene nang mag-concentrate ito sa kanyang negosyo.
Pero nitong buwan ng Pebrero ay umuwi sa bansa si Ramil kasama ang kanyang very supportive parents na sina Tita Velma at Tito Louie Omosura para magbakasyon.
Kuwento ng mahusay na singer and composer, “Sobrang namiss ko po ‘yung mag-perform in front of many people, pero kailangan ko talaga tutukan ‘yung nagsisimula kong business.
“Ilang years din akong tumigil sa pagpe-perform, pero paminsan-minsan kumakanta-kanta pa rin ako sa videoke o kaya naman mayroon kaming family gathering.
“Pero ngayong medyo okey na ‘yung business, siguro puwede ko nang balikan ‘yung first love ko at gustong-gusto kong ginagawa ang pagkanta.”
At ngayong taon nga ay muling magri-release si Ramil ng mga kantang siya mismo ang nag-compose at babalik siya sa Pilipinas para i-promote ito.
Ire-record na rin ni Ramil ang isang hugot song about love na tiyak maraming Pinoy ang makare-relate.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com