Thursday , June 4 2026
Odette Khan

Pamilya ni Odette Khan nanawagan ng tulong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HUMIHINGI ng tulong ang pamilya ng premyadong aktres na si Odette Khan na naka-

confine sa National Kidney and Transplant Institute mula pa noong February 21.

Ayon kay Claudette Avelino-Tandoc anak ni Ms Odette, na in-upload sa Facebook page ng pelikulang Bar Boys, may pneumonia, emphysema, at edema ang aktres.

Tinanggalan din ng fluid ang kanang baga ng aktres bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang medical treatment dito. 

Ani Claudette, noon pa mang February 27, umabot na sa mahigit P211,000 ang kanilang hospital bill, hindi pa kabilang ang professional fees ng mga doktor, bayad sa mga reader, caregiving expenses, at mga gamot.

We are running out of funds. I am appealing to your kind hearts, as Mommy Odette’s child. 

“She has served the film and television community with all her heart for over five decades.

“If she has touched you in any way during these years and you are capable and willing to donate, we would really appreciate it. 

“Taos-pusong pasasalamat po in advance sa mga tutulong kay Mommy Odette,” pahayag ni Claudette.

Nasa post din ang mga detalye ng donation links at bank account numbers para sa mga gustong magpaabot ng tulong pinansiyal.

Nagpasalamat din ang pamilya sa lahat ng nga nagdarasal at tumutulong ngayon sa pagpapagamot ng veteran actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …