Saturday , February 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Spikers Turf Voleyball

Cabstars bumawi, Griffins winalis sa tatlong set

Mga Laro sa Linggo

(Filoil Playtime Centre)

1 n.h. – Cabstars vs Criss Cross

3 n.h. – 3B vs VNS

5 n.h. – Savouge vs Alpha Insurance

MATAPOS ang pagkatalo sa tatlong sunod na set laban sa Savouge, hindi nag-aksaya ng oras ang AEP Cabstars upang baguhin ang kanilang kuwento.

Ipinakita ng Cabstars ang tibay at mabilis na pag-aadjust nang kanilang walisin ang VNS Always Bright Laticrete, 25-15, 25-17, 25-19, sa 2026 Spikers’ Turf Open Conference sa FilOil Playtime Centre sa San Juan noong Biyernes.

Humiling si coach Kitty Antiporda ng mas matalas na execution at mas mabilis na opensa matapos ang kanilang nakaraang pagkatalo, at tumugon ang Cabstars sa pamamagitan ng maayos na ball reception at mas maayos na distribusyon ng set, na nagbigay-daan sa kanilang mga spiker na umatake nang may ritmo at kumpiyansa.

“Magandang bawi kasi pangit ‘yung game namin nung first game kaya nakapag-adjust kami sa dapat naming ayusin ngayong match. Nasunod namin ang game plan at maganda rin ang ipinakita ng mga bata,” ani Antiporda.

Nagbigay-sigla si John Mark Obongen para sa Griffins sa ikatlong set nang maitabla nila sa 17 ang koponan mula Cabuyao.

Gayunman, rumatsada ang Cabstars sa dulo ng laban, kung saan umiskor si setter EJ Casaña ng tatlong puntos mula sa dalawang block at isang ace sa mahalagang 8-2 run upang selyuhan ang panalo sa torneo na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Alpha Insurance, Black Mamba, Premiere EMS, at ArenaPlus sa loob ng 76 minuto.

Pinatatag ni Casaña ang kanilang opensa sa pamamagitan ng 18 excellent sets at nagtapos na may limang puntos, habang nagdagdag si Vince Abrot ng 10 puntos sa dominanteng panalo.

Nag-ambag si Paul Malaiba ng siyam na puntos habang umiskor si Nas Gwaza ng walo, sa pagdomina ng Cabstars sa spiking department, 49-30.

Nagtala si Jerzy Santos ng siyam na puntos sa dalawang set para sa Griffins, na bumagsak sa 0-2 matapos ang kahalintulad na pagkatalo sa Criss Cross King Crunchers sa double round-robin eliminations.

Umiskor si Obongen ng walong puntos sa dalawang set, habang nagdagdag si Roniey Adviento ng anim na puntos.

Magbabalik ang dalawang koponan sa Linggo sa parehong venue sa San Juan, kung saan haharapin ng Cabstars ang paboritong King Crunchers sa alas-1 ng hapon at makakatunggali naman ng Griffins ang 3B sa alas-3 ng hapon. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PSC Sepak Takraw

PH, Magho-host ng Kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship

MANILA — Nakatakdang mag-host ang Pilipinas ng kauna-unahang U19 Asian Sepak Takraw Championship mula Nobyembre …

Manny Pacquiao BBM

Makasaysayang memorabilia ni Manny Pacquiao pormal na ipinagkaloob sa Philippine Sports Museum

LUNGSOD NG PASIG, Pilipinas — Pinangunahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang seremonyal na turnover …

PhilCycling Road Nationals

Oranza, Francisco, Monton namayagpag sa Criterium ng PhilCycling Road Nationals

PINANGUNAHAN ng mga pambansang atleta na sina Ronald Oranza at Jude Gabriel Francisco, kasama ang …

Spikers Turf Voleyball

Maigting na laban sa Spikers’ Turf Open simula na

Mga Laro Bukas (Miyerkules) 1 n.h. – Alpha Insurance vs Cabstars 3 n.h. – VNS …

MPTC Tour of Luzon 2026

P12-M papremyo, nakataya sa MPTC Tour of Luzon 2026

MPTC Tour of Luzon 2026, inilunsad sa ginanap na press conference nitong Lunes sa The …