MATATAG na nakipagsabayan ang Gilas Pilipinas Men ngunit kinapos sa dulo laban sa New Zealand Tall Blacks, 69–66, sa kanilang sagupaan sa FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers nitong Huwebes sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City
Nanguna sa New Zealand Tall Blacks si Max Darling na may 11 puntos, kasunod si Alex McNaught, sampung puntos at si Sam Mannenga 10 puntos at katorseng rebounds.
Sa Gilas, gumawa si Dwight Ramos, (No.24) ng 16 puntos, walong rebounds, dalawang steals kasunod si CJ Perez (No. 17) na may 15 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists, at dalawang steals, at Juan Gomez de Liano, (No. 1), sampung puntos.
Sa Marso 1, Linggo ang susunod na laro ng Gilas kontra Australia sa parehong venue. (HENRY TALAN VARGAS)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com