Thursday , June 4 2026
P4P DENR Mindoro Oil Spill
SIMBOLIKONG isinabit sa tarangkahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lambat na may kakaunting isda bilang protesta sa patuloy na pagliit ng huli at kabuhayan sa karagatan — patunay na hanggang ngayon ay dinaranas ng mga mangingisda at komunidad ang epekto ng oil spill at polusyon. (TEDDY BRUL)

Fossil fuels itigil
Katarungan para sa Mindoro, Oil spill pangutin sa polusyon

QUEZON CITY — Nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Power for People Coalition (P4P) sa paggunita sa ikatlong anibersaryo ng mapaminsalang oil spill sa Mindoro noong 28 Pebrero 2023.

Kinondena ng grupo ang kawalan ng pananagutan sa unang malawakang sakunang pangkapaligiran sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nagbabala ang P4P sa patuloy na paglawak ng fossil fuel projects na pinapayagan ng mga ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang DENR.

Ayon kay P4P convenor Gerry Arances, tatlong taon matapos ang oil spill ay isinulong pa ang mga patakarang nagpapalawak sa paggamit ng gas at nagbukas ng mga butas na nagpapahina sa coal moratorium.

Binigyang-diin ng grupo na ang oil spill ay hindi simpleng aksidente kundi bunga ng mga patakarang nagpapahintulot sa patuloy na paggamit ng coal, gas, at langis sa kabila ng kanilang mapaminsalang epekto sa kalikasan at kabuhayan.

Noong 28 Pebrero 2023, lumubog ang MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro, na may kargang 900,000 litro ng industrial fuel oil. Kumalat ang langis sa karagatan ng Oriental Mindoro, Batangas, Antique, at Palawan, na nagdulot ng malawakang pinsala sa yamang-dagat at kabuhayan ng mga mangingisda. (TEDDY BRUL)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …