Friday , February 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Vince Tañada Philstagers Bonifacio Ang Supremo

Philstagers iniikot Bonifacio: Ang Supremo, gagawa rin ng 5 pelikula sa AQ Prime

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ITO ang sabi ni Atty. Vince Tañada.

Totoo nga sigurong isa ako sa pinalaki ng Sexbomb.

“Raise hands naman ‘yung mga pinalaki ng Philstagers.

It is now all over the news, nobody wanted to produce the reunion concert of Sexbomb. Lipas na raw sila, laos at maraming mas bankable kaysa kanila. Walang nag-invest, walang gustong mag-sponsor, walang gustong mag-produce. 

“So Sexbomb produced themselves. And now, they are reaping the fruits of their labor. The reunion concert was a big success. And the Sexbomb dancers are now worth a fortune!

Parang ganitong ganito rin ang nangyari sa akin. Nobody wanted me in their fold. Kahit naniniwala ako sa talento ko na singing, acting and dancing, the fact that I am not from their circle or I did not finish theater or film in their educational institutions or the fact that I am a lawyer who wanted to find a niche in culture and the arts, maybe, it’s either I came off too strong or too different for them to absorb. 

“So I produced myself. Using the money that I inherited from my grandmother and the small amount of money that I saved, I established the Philstagers Foundation, despite the discontent of my parents. 

“Yes, I made myself the lead star in almost all productions which caused abhorence from theater artists and directors. They branded me as narcissistic, bilib na bilib sa sarili, baduy, bakya, etc. 

“Pero nanaig pa rin sa akin ang kagustuhan kong ipadama ang aking sining, ang aking talento. Hindi ba, kapag may ibinigay sa iyo ang Panginoon, pagyamanin mo, you enhance it, you hone it? 

“Wala ngang naniwala sa akin eh, kaya naniwala ako sa sarili ko. 

Now, Philstagers is the National Mobile Theater Company of the Philippines with over 500 shows every season nationwide. Ipinrodyus ko nga ang sarili ko, pero, hindi ako pinabayaan ng madla. Pinanood ako at kasalukuyang pinanonood pa rin. 

“Siyempre, mas nagalit ang mga detractor pero hindi ako natinag. Hindi ko inaksaya ang pera, ang atensiyon at ang oras ng mga nagagalit sa akin. So bakit ako mag-aalala?

“Tuloy lang. Dumating man ang mga recognition dito at sa abroad, patuloy pa ring magpapa-kumbaba at mananalig. All what I have didn’t come from my detractors. 

“My talent, my energy and my health came from the Supreme Being and I am truly grateful. Siya lang at ang biyaya Niya ang huhusga sa ating lahat. Get get awww!”

At ngayon nga na pinamamahalaan na ito ng pinalaki rin sa Philstagers na si Johnrey Rivas, lalo lang tumatatag ang kinatatayuan ng nasabing ensemble dahil sa mga proyekto o palabas nila sa pagsisimula pa lang ng taon.

Agad na itong sumipa sa pag-iikot ng Bonifacio: Ang Supremo sa Central Visayas Caravan mula Pebrero 4, 2026 (Dumaguete, Negros, Talisay, Lapu-Lapu, Naga, Mandaue at Cebu). Diretso ng Davao Region Caravan noong Pebrero 21 hanggang 27). Tutuloy sa Northern Mindanao Caravan simula sa Marso 2-15 sa Misamis Oriental, CDO, El Salvador, Valencia, Bukidnon, Iligan City, Oroquieta, at MISOCC).

Tuwang-tuwa ang mga nakakapanood. Sa paglapag ng isang napakalaking theatre group ng bansa. 

Dire-diretso lang. Lipad. Layag. Sa lupa. Marami pa.

Sinasagad na ba? Dahil pag-uwing-pag-uwi  naman ay sa limang pelikula na sa pakikipagtulungan sa AQ Prime ang haharapin?

Mas lalaki pa ang pinalaki!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Rod Navarro Jr Coco Martin

Coco nagpasalamat kapwa artistang nagtatanggol sa kanya

MA at PAni Rommel Placente KINUHA namin ang reaksiyon ni Coco Martin tungkol sa mga kasamahan niya …

KD Estrada Sheena Belarmino Vino Mabalot

Sheena, Vino, at KD sa entablado: nananatiling makapangyarihang espasyo sa pagkukuwento

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PATULOY na binibigyang-pansin ng Star Magic ang kanilang mga umuusbong na theater talents …

Ashtine Olviga

Ashtine patutunayan versatile at powerful performer, bibida sa pinakabagong Viva anthology series

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKA-SUWERTE ni Ashtine Olviga dahil agad siyang pinagkatiwalaan ng Viva para magbida sa isang anthology …

Dingdong Dantes Iza Calzado SPEEd

AKTOR, Dingdong naghayag ng suporta sa SPEEd

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAY na nairaos ang ginanap na Induction and Recognition Ceremony ng Society …

Derek Ramsay

Derek nawala pagiging hunk at papable

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang nakapansin na parang nahulog ang katawan ni Derek Ramsay. …