Thursday , June 4 2026
Bureau of Immigration
Bureau of Immigration

4 dayuhan timbog sa telco fraud at online gaming scam

DINAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Japanese national at isang Chinese national na sinasabing sangkot sa telecommunications fraud, online gaming scams, at iba pang ilegal na gawain sa isang ikinasang operasyon sa Brgy. Pampang, lungsod ng Angeles, sa lalawigan ng Pampanga.

Sa ulat kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sinabi ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., na ang operasyon ay isinagawa ng intelligence operatives ng ahensiya sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), kasunod ng impormasyong nag-uugnay sa mga suspek sa pandaraya at kidnapping-for-extortion scheme.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Oi Riho, 27 anyos; Moriyama Yu, 31 anyos; Kato Hiroaki, 42 anyos, pawang mga Japanese national; at ang Chinese national na si Wang Xinyu, 32 anyos.

Habang isinasagawa ang operasyon, dalawa sa mga suspek ang sinasabing nagtangkang tumakas ngunit naharang ng mga ahente.

Ayon sa mga awtoridad, ang grupo ay nabigong magpakita ng mga wastong pasaporte o dokumento ng pagkakakilanlan.

Sina Oi at Kato ay napatunayang overstaying at walang dokumento, habang si Moriyama ay kinasuhan ng pagtatago ng mga ilegal na dayuhan.

Si Wang ay nahaharap sa mga kasong overstaying, pagiging walang dokumento, at hindi kanais-nais na pagkilos.

Sa imbestigasyon na isinagawa sa harap ng mga kinatawan mula sa Japanese Embassy, itinanggi ng mga suspek ang pagkakasangkot sa pagkidnap at pangingikil ngunit inamin nilang nakikilahok sila sa mga operasyon ng scamming at online gaming fraud na nakabase sa nabanggit na lungsod.

Nakasaad din sa mga ulat ng intelligence na si Wang ay logistics head ng scam hub.

Ipinaalam sa apat ang kanilang mga karapatan at dinala sa tanggapan ng BI Regional Intelligence Operations Unit 3 para sa dokumentasyon bago inilipat sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, sa lungsod ng Taguig.

Nagbabala si Viado sa mga dayuhan laban sa paggamit sa bansa bilang base para sa mga kriminal na negosyo, at binigyang-diin na ang mga operasyon laban sa mga dayuhang scam network ay magpapatuloy bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa organisadong transnational crime. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …