MA at PA
ni Rommel Placente
KINUHA namin ang reaksiyon ni Coco Martin tungkol sa mga kasamahan niya sa industriya na ipinagtatanggol siya kahit hindi naman niya hinihingi.
Ayon kasi kay Rod Navarro Jr. noong nakatrabaho niya si Coco sa seryeng pinagbibidahan nito, hindi raw naging maganda ang treatment sa kanya at mimunura pa raw siya.
Sabi ni Coco, “Wala namang time para anuhin (sagutin) ‘yung mga bagay na ‘yun.
“Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao, sa mga artistang nakakatrabaho ko (na ipinagtatanggol siya).
“Sabi ko nga, para sa kanila ito.”
Ang tinutukoy ni Coco ay ang award na napanalunan niya sa PAFTA, bilang Best Drama Actor para sa kanyang serye.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com