Thursday , June 4 2026
KD Estrada Sheena Belarmino Vino Mabalot

Sheena, Vino, at KD sa entablado: nananatiling makapangyarihang espasyo sa pagkukuwento

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PATULOY na binibigyang-pansin ng Star Magic ang kanilang mga umuusbong na theater talents sa pamamagitan nina KD Estrada, Sheena Belarmino, at Vino Mabalot na tampok sa dalawang major productions, Bagets: The Musical at Spring Awakening, na kasalukuyang ipinalalabas at patuloy na tinatangkilik ng mga manonood.

Kasalukuyang napapanood sa Bagets: The Musical si KD, na nagbahagi kung paano mas pinatatag ng produksiyon ang kanyang disiplina bilang artista.

Just discipline and ‘yung work ethic din, parang when you go to work you have to make sure na you know everything. You know your parts and you know what you’re supposed to be doing,” ani KD nang tanungin ukol sa pinakamahalagang aral na natutunan niya mula sa palabas.

Bukod sa pagiging aktor, pangarap din ni KD na maging direktor. Nang tanungin kung sinong actor-director ang nagbibigay inspirasyon sa kanya, binanggit niya ang Hollywood actor na si Matthew McConaughey, at sa lokal naman ay si Coco Martin.

Bahagi naman ng kasalukuyang run ng Spring Awakening sina Sheena at Vino, na parehong nagbahagi ng kanilang mga karanasan.

Isang daring role ang ginagampanan ni Sheena na tiyak ikinagulat ng mga manonood.

I’m really grateful for Sandbox Collective, the directors, the creatives, who really supported me all the way. Especially kasi wala akong alternate rito, every show laging ako ‘yung nakasalang, and it’s a different experience lagi.”

Dagdag pa niya, “I entered the production knowing the material way ahead…I really did my research.”

Para naman kay Vino, na beterano na sa teatro at telebisyon, magkaiba ang hamon ng pag-arte depende sa medium.

Art forms that involve a screen are challenging for me because they’re out of my comfort zone.

“Pero if we’re talking artistic difficulty, I crave the theater, ‘yung live audience, ‘yung work that goes into doing it,” aniya.

Iba ‘yung feeling telling stories and then your audience is right there, and they can feel with you, they can breathe with you. It’s difficult pero ‘yun ‘yung pinaka-satisfying for me,” dagdag pa ni Vino.

Parehong tinatalakay ng Bagets: The Musical at Spring Awakening ang kaguluhan at realidad ng kabataan. 

Let kids be who they really are and try to express themselves, through any form of art,” ani Sheena.

Ipinakikita nina Sheena, Vino, at KD ang lalim ng kanilang artistry na hinubog ng disiplina, masusing paghahanda, kolaborasyon, at ang natatanging koneksiyon na hatid ng live theater.

Dala ang kanilang passion bilang alagad ng sining, patuloy nilang pinatutunayan ng mga na ang entablado ay nananatiling makapangyarihang espasyo para sa pagkukuwento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …