Thursday , June 4 2026
Rica Gonzales Sirena

Rica Gonzales may pagpapahalaga sa edukasyon, na-challenge sa pelikulang “Sirena”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PINAGSASABAY ni Rica Gonzales ang showbiz at ang kanyang pag-aaral. Naniniwala ang sexy actress sa kahalagahan ng edukasyon at the same time, sinabi niyang passion niya ang mag-aral at ang pagtatrabaho sa showbiz.

Aniya, “I’m taking-up BS International Hospitality Management sa De La Salle College of Saint Benilde po, and I decided to pursue showbiz while studying kasi both are really my passions.

“Importante po talaga sa akin na makatapos ng pag-aaral, kasi para sa akin po, education is something no one can take away from you. At the same time, I get to grow academically and  professionally.

“Personally, I feel proud po na kaya kong gawin both with dedication,” nakangiting sambit pa ni Rica.

Nagkuwento rin siya sa latest movie niya titled “Sirena” na isang erotic, mystery, drama na hatid ng Infinity Talent Management.

“In Sirena po, I play Marta, the wife of Jonas (Van Allen Ong). Madalas siyang nakikita bilang kontrabida, pero she’s really a mother with a heart, willing to do everything para masigurado na ang anak niyang si Ron-Ron ay makakain at makaligtas.

“Her actions come from desperation and love for her family, not cruelty.”

Dagdag ng talent ni Ms. Len Carrillo, “Kasama ko rin po sa pelikula sina Micaella Raz at Rash Flores, making the story even more powerful.

“Directed by Bobby Bonifacio, the film explores sacrifice, survival, and the price of wanting a better life, through a dark and emotional lens.”

Ano’ng ginawa niyang kakaiba sa pelikulang ito na napapanood na ngayon sa VMX apps?

Esplika ni Rica, “Sa Sirena po, ang ginawa kong kakaiba sa role ko ay ginawa kong mas relatable at human si Marta, kahit madalas siyang tignan bilang kontrabida.”

Ipinahayag din ng aktres na challenging na role ito para sa kanya.

“Medyo naging challenging ‘yung role na ‘to po for me kasi roon, talagang very… parang bungangera po ang character na ginampanan ko. Pero sinigurado ko po na lahat ng actions niya ay mula sa pagmamahal at desperation para sa anak niya, kaya mas emotional at layered po ang character.”

Proud na dagdag pa ni Rica. “Honestly, it’s super challenging po to balance shooting, hosting sa MegaFunalo, and schoolwork. Pero every challenge teaches me discipline, time management, and resilience.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …