ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MISTULANG naging tradisyon na tuwing sasapit ang Chinese New Year ang masaya at magarbong pagdiriwang nito sa Beautederm Headquarters sa Angeles City, Pampanga.
Pinangunahan ng Beautederm founder and CEO Rhea Anicoche Tan ang naturang selebrasyon noong February 17.
Present ang maraming Beautederm ambassadors dito tulad nina Ms. Lorna Tolentino, Belle Dolls ambassador Dennis Trillo, Ejay Falcon and wife Jana Roxas, Rochelle Barrameda, Sunshine Garcia, Buboy Villar, Kakai Bautista, Gillian Vicencio, Thou Reyes, Thia Thomalla, Kimson Tan, Janna Dominguez, Darla Sauler, Pepita Curtis, at Regine Angeles.
Kasama rin ang local ambassadors mula sa Pampanga, beauty queen ambassadors, at iba pa. Nakisaya rin dito sina Arron Villaflor, Nadine Samonte, Sugar Mercado, Chanel Morales, at Jennie Gabriel.
Nagsilbing host ng programa si DJ JhaiHo.
Bukod sa pagdagsa ng Beautederm endorsers, inabangan dito ang makulay na dragon dance na sinasabing may hatid na suwerte.
Happy ang lady boss ng Beautederm dahil pangatlong taon nang ipinagdiriwang ang Chinese New Year sa kanyang Beautederm building.
Nagpapasalamat si Ms. Rhea sa lahat ng celebrities na pumunta at nakipag-bonding. Gayondin sa kanyang media and blogger friends, at sa lahat ng mga sumuporta.
Thankful siya sa patuloy na pagbuhos ng mga biyaya sa kanya at sa kanyang mga negosyo. Gayondin sa patuloy na pamamayagpag at pagtatagumpay ng Beautederm sa beauty and wellness industry.
Pahayag ni Ms. Rhea, “Every Chinese New Year, you wish for luck and prosperity. But of course, if you put in the effort and have enthusiasm, you can succeed. While the concept of luck is appealing, the key lies in how you put in the effort.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com