Thursday , June 4 2026
Rodrigo Duterte Bong Go

Sa ginaganap na Confirmation of Charges hearing
Dasal hiling ni Bong Go sa publiko para kay Digong

HUMILING ng panalangin at hinikayat ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang publiko na manatiling mahinahon kasabay ng pormal na pagsisimula ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Hindi itinago ni Go ang kanyang pagsuporta para sa dating pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kontrobersiyal na kampanya kontra-droga ng nakaraang administrasyon.

Ani Go, ipinagdarasal niya ang dating pangulo na magkaroon ng courage, peace of mind, at magandang kalusugan.

Nanawagan si Go sa mga taong sumusuporta sa dating Pangulo na magtiwala  sa umiiral na sistema ng hustisya.

Nauna rito, kinilala rin ng ICC bilang isa sa mga hinihinalang co-perpetrators sa nasabing war on drugs si Go.

Magaganap ang pagdinig mula 23 Pebrero hanggang 27 Pebrero sa The Hague, Netherlands.

Sa huli ay muling nanawagan si Go para sa kalayaan at pagbabalik sa bansa ng dating Pangulo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …