Thursday , June 4 2026
prison shadow

PDL nakapuga sa provincial jail

KASALUKUYANG nagsasagawa ng pinaigting na manhunt operation ang pulisya matapos makatakas ang isang PDL (person deprived of liberty) mula sa Zambales Provincial Jail sa Sitio Balili, Brgy. Palanginan, Iba, Zambales.

Kinilala ang nakatakas na PDL na si Emilliano Agustin, 38 anyos, may kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangrous Act of 2002, residente sa Brgy. Lipay, Sta. Cruz, sa naturang lalawigan.

Ayon sa saksi na isang prison guard, na siyang assistant commander ng naturang piitan, naganap ang insidente habang siya ay tumutulong sa isa pang PDL.

Sinasabing sinamantala ng tumakas ang pagkakataon at biglang tumakbo palabas sa Post 2 gate, dumeretso sa main gate, at tuluyang nakalabas ng pasilidad.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Iba MPS at nakipag-ugnayan sa mga karatig himpilan ng pulisya at iba pang law enforcement agencies upang magsagawa ng checkpoints at hot pursuit operations para sa agarang pagkakaaresto ng nasabing preso.

Tinitiyak ng Zambales PPO sa publiko na patuloy ang mas pinaigting na operasyon sa paghahanap laban sa nasabing pugante. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …