Thursday , June 4 2026
LTO Land Transportation Office

Patakaran sa pagmamaneho nilabag
3 driving schools sa Tarlac pinatawan ng parusa ng LTO

PINATAWAN ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driving school sa lalawigan Tarlac dahil sa paglabag sa mga pamantayan at regulasyon sa pagmamaneho at sertipikasyon ng mga driver.

Sa ulat mula sa LTO, napag-alaman na dalawa sa driving schools ay mga first-time offenders habang ang isa ay may mga nakaraang paglabag na nagawa noong 2024 at ngayong taon.

Kabilang sa mga paglabag ang iregular na pag-isyu ng practical driving course (PDC) at theoretical driving course (TDC) certificates of completion nang hindi nakompleto ang mga kinakailangang oras ng pagsasanay at ang hindi pagsasagawa ng mga itinakdang tagubilin.

Inakusahan din ng LTO ang naturang driving schools na nagbigay ng mga sagot sa pagsusulit sa mga estudyante.

Dalawa sa driving school ang pinatawan ng parusang P50,000 bawat isa at suspensiyon ng kanilang akreditasyon sa loob ng anim na buwan.

Ang ikatlong driving school ay nakagawa nang ilang paglabag tulad ng pagsasagawa ng mga kurso na may kakulangan sa oras, hindi pagpapatupad ng aprobadong syllabus, at ang paulit-ulit na iregular na pag-isyu ng mga sertipiko ng pagtatapos kaya pinagmulta ng P250,000 at sinuspinde ang akreditasyon nito sa loob ng dalawang taon at anim na buwan.

Ang pagpapataw ng mga parusa ay dumating matapos ang masusing imbestigasyon ng LTO sa mga sinasabing paglabag ng tatlong paaralan.

Noong Enero, naglabas ang ahensiya ng mga show cause order (SCO) at mga preventive suspension laban sa tatlong paaralan.

Iginiit ng LTO na ang akreditasyon ay isang pribilehiyo na nangangailangan ng patuloy na pagsunod sa mga pamantayan, dahil ang mga driving school ay gumaganap ng isang kritikal na papel sa pagtiyak na ang mga wastong sinanay na indibiduwal lamang ang uusad sa proseso ng paglilisensiya.

Binigyang-diin din ng ahensiya ang One Strike Policy Memorandum nito at ang kahalagahan ng pagbabantay sa kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng integridad ng sistema ng paglilisensiya sa pagmamaneho. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …