Thursday , June 4 2026
Tess Mamac

Nawawalang biyuda ng ex-tserman natagpuang nakabaon sa bakuran

NATAGPUAN ang nawawalang misis ng yumaong dating barangay chairman ngunit hindi buhay kundi bangkay na nakalibing sa compound ng kanilang mismong tahanan sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Ang bangkay ng biktimang si Tess Mamac ay nadiskubre sa isinagawang paghuhukay sa compound na pag-aari ng kanilang pamilya na kinatitirikan ng kanilang tahanan.

Sa report ng Angeles City Police, ang ginang ay nakabaon na tinatayang anim na talampakan ang lalim ng lupa sa naturang compound malapit sa bahay ng driver ng kanilang pamilya na kinilala lamang sa alyas na “Doc Manuel”.

Si Tess, misis ng yumaong si Tony Mamac, dating chairman ng Brgy. Balibago ay may ilang araw nang nawawala simula pa noong 12 Pebrero.

Samantala, habang nagsasagawa ng search operations ang Angeles City Police sa nawawalang ginang ay nag-alok si Pampanga 1st District Rep. Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ng P200,000 reward para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng biktima.

Nabatid na ang driver ng pamilya Mamac ay may 20 taon nang naninilbihan sa kanila at ngayo’y itinuturing na “person of interest” sa kasong ito. Kasalukuyan pang pinaghahanap ang driver upang mabigyang linaw ang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …