Thursday , June 4 2026
Dead Road Accident

Minamanaheo ng Aviation police
Van umararo ng 14 motorsiklo, 12 driver, 9 backrider sugatan

NAWALAN ng preno ang isang multi-purpose vehicle (MPV) na nagresulta sa pag-araro sa 14 motorsiklo na may 9 backrider at isang kotse, sa Cayetano Boulevard sa Barangay Tuktukan, Taguig City, gabi ng Lunes, 16 Pebrero.

Itinakbo sa ospital ang 12 drivers at 9 backriders na pawang sugatan.

Sa kuha ng CCTV ng Taguig Traffic Investigation Office, ang insidente ay naganap petsang 16 Pebrero 2026 Lunes may oras na 18:00:52.

Klaro ang pag-araro sa mga nasa unahang motorsiklo sa kaparehong lane bago huminto at bumangga sa steel barrier at sa sidewalk. Nakita rin ang pag-ilalim at pagkaipit ng isang backrider na nakaladkad nang ilang metro.

Mabilis na kumilos ang mga lumapit na ilang motorista para iangat nang patagilid ang sasakyan kaya natanggal sa pagkakaipit ang isang biktima.

Ang driver na nagsabing nawalan ng preno ay isang police staff sergeant ng Aviation Security Group, ayon sa ulat at hindi naman umano lasing o amoy alak.

Ayon kay P/Lt. Andres Echavez, Jr., chief ng Taguig Traffic Investigation Office, 14 motorsiklo at isang kotse ang nadamay sa insidente.

Nakipag-areglo ang driver sa mga biktima na sasagutin ang mga gastusin at pinsala ng mga sasakyan.

Kasalukuyan pang nakapiit ang pulis, na posible rin makalaya kung walang magsasampa ng pormal na reklamo makalipas ang 18 oras na reglementary detention period.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …