Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Bela Padilla Martin Nievera Jerry Lopez Sineneng Ricky Lee

Carlo at Bela muling ‘mananakit’ sa A Special Memory

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

AMINADO si Carlo Aquino na excited siya sa muling pagtatambal nila ni Bela Padilla sa A Special Memory ng Viva Films na idinirehe Jerry Lopez Sineneng at screenplay ng Pambansang Alagad ng Sining Ricky Lee.

“Catch up, kumusta siya sa buhay personally. Nag-mature na, ‘yung mga choice niya sa buhay nag-iba. 

“Naging excited lang talaga ako na magkaroon kami ng reunion movie and something very, very special na ganitong pelikula,” panimula ni Carlo sa isinagawang mediaconference kahapon ng tanghali sa Gateway Cinema 17 ukol sa muling pagtatambal nila ni Bela.

Unang nagsama sina Carlo at Bela sa Meet Me in St Gallen noong 2018. At ngayon magsasama muli ang dalawa sa sinasabing mapanakit na pelikula, ang A Special Memory na ukol sa isang fashion designer na pilit kinalilimutan ang heartbreak mula sa kanyang nakaraang relasyon. Mapapanood na ito sa March 11, 2026.

Ayon kay Carlo hindi niya alam na Japanese series ang pelikula na ang titulo ay Pure Soul. Ang nabasa na niya kasi ay ang script na isinulat ni Mr. Ricky. 

I didn’t watch the Japanese series, ‘Pure Soul’” wika naman ni Bela. “I watched an adaptation of the Japanese series which was the Korean Film. I watched it a few years ago and I watched it over and over again. 

“So, when I heard this project na gagawin sa Philippines, I really threw my name in the hat kaya I really said, if I there’s a chance I could do this project, I would love to do it.

“And when sir Ricky finally got on board and direk Jerry, I cannot love do this. I have to be part of this project. It’s beautiful because it’s very different from the version I saw. But just like, ‘Memories,’ it will be nostalgic po,” wika pa ng aktres.

Nang matanong naman sina direk Jerry at Mr. Ricky kung may pressure na kailangang magawa ng at least katulad o dikit sa original. Sinabi ng national artist na, “Ako matagal na akong nagre-request sa Viva na pagawin ako ng adaptation, like Korean adaptation. Pero hindi ako nabibigyan, kaya this is the first time.

“Very excited ako nang ialok sa akin. Then noong sinabi na si Jerry tapos ang mga gaganap sina Bela and Carlo, nadoble ang excitement. 

“Mahirap na madali para sa amin. Madali kasi kahit paano may pagbabasehan ka na like structure and ‘yung idea and then later you’ll realized na mahirap pala. Kasi pagkukomparahin. 

“And then later, kung paano papantayan. Unang-una kailangan magustuhan mo iyong pinanood mo at kung nagustuhan mo ibig sabihin ang ganda-ganda niya. 

“Paano kayo gagawa ng mas maganda kaysa roon? It makes more difficult. 

“But finally, it was really exciting. Kasi in the end, kinalimutan ko na ang original after na-observe ko siya.

“Parang inako ko na kuwento namin ito, Filipinong kuwento ito. Patatakbuhin ko ito the way na gusto kong patakbuhin. Hindi na ako mag-aalala sa kung saan ang pinanggalingan nito,” sambit pa ni Mr. Ricky.

Kay direk Jerry naman, inamin nitong kinakabahan siya. “Noong una, kinabahan ako kasi adaptation at ‘yun nga sinabi ni Ricky ang reason, iko-compare.

“Pero noong mabasa ko ang script ni Ricky and I must say, mas maganda talaga ang script ni Ricky kaysa original. Totoo po, hindi ako nagmamayabang, kaya nga national artist.

“Talaga po ang ganda-ganda ng script ni Ricky. Noong nabasa ko ang script ni Ricky nawala na ang kaba ko. Tapos Carlo and Bela pa. Half of my work is done sa galing ng dalawang artistang ito.

“Noong una kinabahan pero noong isinu-shoot na, sobrang sarap ng pakiramdam, lalo na noong natapos na, ang ganda-ganda,” proud na turan naman ni direk Jerry.

Sinabi pa ni Bela na ang A Special Memory ang maituturing niyang pinaka-mapanakit na pelikulang nagawa niya.

“I said it with pride. I kept discussing it with Carlo noong nag-start pa lang kami (shoot). 

“Parang itong movie na ito ang magiging classic movie natin. Kasi feeling ko kaya kami pinagsama dahil sa ‘Meet Me in St Gallen’ at hanggang ngayon laging nauulit at nauulit ang videos ng ‘Meet Me at St Gallen’ na hanggang ngayon lagi pa rin kaming nata-tag na dalawa kapag may mga Filipino na nagpupunta ng St Gallen sa Switzerland. 

“It’s become it’s own beautiful thing like ‘Meet Me in St Gallen’ has its own little world. But I think ‘A Special Memory’ na pelikula namin, like this is, I don’t know if it’s same for Carlo. But for me I feel like this is one of my film that I would like to think would be classic. 

“‘Coz obviously I have direk Jerry who directed and also a national artist sir Ricky Lee who’s writing the script. So it feels very different from everything  I’ve done. It feels more mature, it feels so grounded. 

“The script sometimes ‘yung lines borderline, more poetic, ang gaganda ng dialogue, na parang ang hirap minsan parang ang hirap pumasok sa eksena kasi nabibigyan ko pa ng justice because the lines are so good. You wanna give 800 percent, if possible. Kaya talagang mapanakit siya nothing like I’ve ever done before,” excited na kuwento ni Bela.

At para kay Carlo, “Masakit talaga. May nakita akong IG post niya recently na kapag nauulanan daw si Bela alam mong masasaktan o mananakit. 

“Kaya tawang-tawa ako roon, totoo naman din. Ang daming ulan dito, basa talaga kami rito, isa iyon sa highlight ng pelikula. 

“Ganoon naman talaga, feeling ko kapag nagmamahal ka may point na masasaktan ka talaga, ‘yun lang naman talaga. Eh ‘yung pelikula si Dind at si Sandra eh nagmamahal ng totoo, so masasaktan at masasaktan sila rito.”

Sabi nga maaaring kumupas ang mga aalala, pero ang tunay na pag-ibig, hindi nakalilimot. Ito ang uri ng pagmamahal na isasabuhay sa A Special Memory

Isang Philippine adaptation ng kilalang Japanese series na Pure Soul.  Ito ay isang kwento kung paano nanatili ang pagmamahal sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Bibida si Bela bilang Sandra, isang fashion designer na pilit kinakalimutan ang heartbreak mula sa kanyang nakaraang relasyon. Habang sinusubukan niyang muling buuin ang kanyang buhay, makikilala niya si Dindo (Carlo), isang construction foreman sa kompanya ng kanyang pamilya.

Mula sa isang simpleng koneksiyon, unti-unting mabubuo ang pag-iibigan nina Sandra at Dindo at magdedesisyon silang magsama sa iisang bahay. Ngunit, susubukin sila ng tadhana nang matuklasan ni Sandra na siya ay may early onset ng Alzheimer’s disease. Dahil sa takot na maging pabigat, lalayo si Sandra at ipapasok ang sarili sa isang nursing home.

Nasaktan man sa naging desisyon ni Sandra ay igagalang ito ni Dindo. Mananatiling matatag ang pag-ibig niya para sa minamahal. Bibisitahin niya si Sandra at paulit-ulit na ipakikilala ang sarili sa pag-asang kahit saglit ay muli siyang maaalala.

Mula sa kanilang unang pagsasama sa Meet Me in St. Gallen (2018), muling magtatambal sina Bela at Carlo sa A Special Memory na mararamdaman muli ng mga manonood ang kanilang minahal na magic at chemistry. Kilala sa kanyang relatable performances sa romance-drama, muling haharap si Bela sa isang papel na magpapakita ng kanyang emotional range. Si Carlo naman, na matagal nang hinahangaan sa kanyang pagiging versatile, ay muling magdadala ng lalim sa kanyang karakter.  

Makakasama nina Bela at Carlo ang isang kahanga-hangang ensemble cast na kinabibilangan nina Lotlot de Leon, Joel Torre, Yayo Aguila, Jaime Fabregas, Phoebe Walker, at Paolo Gumabao, na pawang magdadagdag ng puso at damdamin sa pelikula.

Punompuno ng emosyon, pagmamahal, at pag-asa, ipapaalala ng A Special Memory  na ang mga hindi malilimutang koneksiyon ay mananatili sa atin magpakailanman. Palabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula March 11, 2026.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marissa Sanchez Jose Mari Chan Dingdong Avanzado Cye Soriano

Concert ni Marissa Sanchez matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Valentine’s concert ni Marissa Sanchez, ang A Happy Funny Time with …

Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na …

Kim Molina Jerald Napoles RC Delos Reyes

Jerald may ‘di magandang karanasan sa isang TV show

MATABILni John Fontanilla UNFORGETABLE para kay Jerald Napoles ang experience sa isang TV Show noong bago-bago pa …

Priscilla Meirelles John Estrada

John nasaktan nang matanggap desisyon sa divorce nila ni Priscilla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NGAYONG diborsyado na si John Estrada, puwede na raw nitong ilantad ang …

Izzy Trazona Alvin Aragon Sunshine Garcia Alex Castro

Mga asawa nina Sexbomb Izzy at Sunshine ikinukompara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa ring netizen ang nagkukompara sa mga naging asawa nina Sexbomb …