Thursday , June 4 2026
Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na dumalo at makiisa sa People Power 40 Kick-Off Concert sa Sabado (21 Pebrero) sa Quezon Memorial Circle.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Robredo ang poster ng event na inorganisa ng Mayors for Good Governance (M4GG) and Kaya Natin! At may temang “Awit at Aksyon Kontra Korapsyon.”

“Everyone’s invited! This concert is organized by Kaya Natin and Mayors for Good Governance,” post ni Robredo sa kanyang social media page.

Tampok sa pre-show ang Madeline, Hey Moonshine, Stonefree, Chloe Redondo, Jkris Dantes, Crispin, Sisa and Bassilyo, TSN Drag, Mz. Chronicles, and DJ JhaiHo.

Pangungunahan naman ang main concert nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Rivermaya, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Pio Balbuena, stand-up comedians Alex Calleja at Red Ollero, Morobeats, Bea Binene, Elmo Magalona, Arkin Magalona, Earl Agustin, Chelsea Alley, at Over October.

Special guests naman sina Ogie Diaz, Mama Loi Villarama, at Iza Calzado.

Layon ng event na buhayin ang diwa ng mapayapang rebolusyon at magsilbing inspirasyon upang palakasin pa ang laban kontra katiwalian.

“The concert seeks to remind Filipinos that the unity and courage that restored the country’s democracy in 1986 can today be channeled into the fight against corruption,” wika ng mga organizer.

“People Power proved that the Filipino people, when united, can stand up to injustice and demand accountability. This concert is a way to honor that legacy while encouraging citizens, especially the youth, to continue the fight for transparency and good governance,” dagdag nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …