MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapos na Valentine’s concert ni Marissa Sanchez, ang A Happy Funny Time with Marissa Sanchez sa Music Museum, February 13, 2026.
Naging espesyal na panauhin nito sina
Jose Mari Chan, John Arcilla, Dingdong Avanzado with angelic clear voice na si Cye Soriano. Produced by Ms Edna D. Reyes and her sisters.
Isa sa mga naging highlight ng concert ang performances ni Marissa na Cabaret at duet nina John Arcilla, ang Tonight I celebrate my love.
Bongga rin ang performances nina
Dingdong at Jose Mari.
Thankful naman si Cye na nakasama niya sa concert sina Marissa, Jose Marie, Dingdong, at John.
“Sobrang na-appreciate ko po na nakasama ko si Ms Marissa Sanchez sa isang concert bilang guest singer.
“First time ko siya nakasama sa isang concert at napabilib niya ako, napakahusay niya.”
Dagdag pa nito, “I’m so happy and grateful and honored to be with one of the OPM royalties gaya ni Jose Mari Chan.”
Wish ni Cye na makatrabaho pa muli sina Marissa, Dingdong, John, at Jose Marie.
Musical director ng Velentine’s concert si Mr. Elmer Blancaflor sa tulong ng production ni Ms Vivian Blancaflor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com