Thursday , June 4 2026
KimPau Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim may inamin sa bulaklak na bigay ni Paulo: nakaka-girl, napapa-happy ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALANG paligoy-ligoy at walang kagatol-gatol na inamin ni Kim Chiu na galing sa kanyang leading man sa The Alibi, Paulo Avelino ang bulaklak na natanggap niya noong Valentine’s Day, February 14, 2026.

Ang pag-amin ay ginawa ni Kim sa The Alibi: Ang Buong Katotohanan Media Conference kahapon ng hapon na ginawa sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN.

Siyempre sa kanya,” sabay turo kay Paulo nang uriratin ni MJ Felipe, host ng mediacon, kung kanino galing ang napakalaking bulaklak na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Pagkasagot ni Kim, ibinaling naman ni MJ ang tanong kay Paulo kung siya nga ang nagbigay ng bouquet of flowers last Feb 14. 

Yes, sa akin,” mabilis namang tugong ni Paulo.

Na sinundan ng tanong na, ‘ang post mo na ‘ay babae pala ako.’

Yes kasi ang daming naglalakad na babae sa daan noong araw na iyon. Nadaanan ko lang galing akong ‘It’s Showtime’ na nakahawak ng bulaklak,” wikang sagot ni Kim.

“Pag-uwi ko ng bahay nakita ko ‘yung bulaklak kaya nasabi ko, ‘girl pala ako, ‘yun lang,’” masayang sabi pa ni Kim.

At nang uriratin pa ng host kung ano ang naramdaman niya na hinigyan ng bulaklak na galing pa kay Paulo, “siyempre ano, nakaka-girl talaga kapag binigyan ka ng flowers on Valentines.

“Hindi naman ‘yan sa gaano kalaki ang bulaklak o super dami, ganyan. 

“It’s the thought that counts na naalala ka, ganyan,” nangingiting sagot pa ni Kim.

Reaksiyon naman ni Paulo na masaya ang kaparena, “kasi masaya si Kim.”

At idinugtong ni Paulo kay Kim na kung gustong i-share nito ang kasamang letter ng ibinigay niyang bulaklak.

Tugon ng dalaga, “Yes, the letter goes like this, ay kumanta pala ha ha ha. Okey na ‘yun. ‘ Wag na.

“At happy din naman ako na napapa-happy niya rin ako.”

Pag-uusisa pa ni MJ ng, “so would you say Kim, na you already found happiness?”

“Super naman ‘yung ‘you already found happiness,” natatawang sabi ni Kim kay MJ

We have to be happy everyday. Kasi hindi natin alam kung ano ang manyayari sa atin bukas or sa susunod na taon.

“Kung anuman ang nagpapasaya sa iyo ngayong taon i-cherish mo na,” masaya pang wika ng dalaga.

Bago ang aminan, ipinost ni Kim sa kanyang IG account ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak noong Valentine’s Day.

Kasunod ang caption na, “Babae pala ako.”

Maraming netizens ang natuwa sa post na iyon ng dalaga na hindi man sinabi kung kanino galing, iisa ang hula. Galing daw iyon kay Paulo.

Marami ang kinilig hindi pa man sinabi ni Kim na kay Paulo nga galing ang bulaklak. 

At sa pag-amin ni Kim tiyak na mas marami ang kinilig. 

At nang itanong sa dalawa ang real score ng kanilang relasyon. Sumagot si Paulo ng 100 ang score. 

Pero nilinaw nito na wala siyang inaamin kundi nagbigay lamang siya ng score na 100.

At nang itanong iyon kay Kimmy, sinabi naman nitong kung sa ikabubuti raw ba iyon ng ekonomiya, at nagkahalakhakan na.

Samantala, ang The Alibi, Ang Buong Katotohanan ay isang kwento ng panlilinlang, pag-ibig, at katotohanang pilit inililihim. 

Mapapanood na rin ito sa Fre TV sa Kapamilya Channel, ALLTV2, at A2Z.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …