Thursday , June 4 2026
arrest, posas, fingerprints

Puganteng Ruso timbog sa Cagayan

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang Russian national na nakatalang wanted person sa regional level sa Brgy. Centro, sa bayan ng Lal-lo, lalawigan ng Cagayan, nitong Lunes, 9 Pebrero.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas Andre, 52 anyos, isang negosyante, residente sa Valencia, Negros Oriental.

Nabatid na anim na buwan nang nakatala si alyas Andrew bilang wanted person ng PRO7 PNP at nahaharap sa walong bilang ng kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Nagmula ang warrant of arrest laban sa suspek sa Dumaguete City RTC Branch 31 na walang inirekomendang piyansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …